Personal na dumalaw si Vice President Sara Duterte sa burol ng isa sa mga nasawing sundalo sa engkwentro sa Daulah Islamiyah sa Munai, Lanao del Norte.
Nagpaabot ng pakikiramay ang Pangalawang Pangulo sa pamilya ni Cpl. Reland A.Tapinit.
Sa kaniyang pagbisita, sinabi ni VP Duterte na saludo siya sa kwento ng katapangan at kabayanihang ipinakita ni Cpl. Tapinit at mga kasamahan niya na nasawi at nasugatan.
Aniya, ang naturang engkwentro ay patunay na totoo ang banta ng terorismo at wala itong pinipiling biktima. Dapat din aniyang tandaan ang panganib ng pangangalap ng kabataan sa terorismo.
Nagpapasalamat naman si VP Duterte sa pamilya ni Cpl. Tapinit sa kaniyang serbisyo na ibinigay para sa ating bayan. | ulat ni Diane Lear
📷: VP Sara FB