Bumiyahe patungong Malaysia si Vice President at Education Secretary Sara Duterte.
Ito’y para makipagpulong sa kaniyang counterpart sa nabanggit na bansa bilang pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO).
Kasunod niyan ay nakatakda rin siyang mag-courtesy call sa kaniyang mga counterpart partikular na ang Malaysian Education Minister na si Fadhlina Sidek gayundin ang Deputy Prime Minister ng naturang bansa.
Matapos ang serye ng pagpupulong, mag-iikot naman si VP Sara sa ilang mga paaralan sa Malaysia at makikipagkita rin ito sa Filipino Community doon.
Sa kaniyang pagdating sa Malaysia, sinabi ng Pangalawang Pangulo sa isang maikling panayam na nananatiling maayos ang relasyon sa pagitan nila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. | ulat ni Jaymark Dagala