Dumalo si Vice President Sara Duterte bilang panauhing pandangal sa isinagawang awarding ceremony ng Coast Guard District (CDG) Southeastern Mindanao sa Sasa Wharf, Davao City ngayong araw.
Ito ay upang kilalanin ang mga nagawa ng search, rescue, at retrieval operations team ng CDG Southeastern Mindanao sa nangyaring pagguho ng lupa sa Barangay Masara, Maco, Davao de Oro.
Pinangunahan ni VP Duterte ang paggawad ng award at nagpaabot ito ng pagbati sa mga magigiting na tauhan ng CDG Southeastern Mindanao sa kanilang sakprisyo, serbisyo at pagtulong sa mga apektado ng landslide.
Kabilang din sa mga binigyan ng pagkilala ang coast guard K9 handlers at kanilang working dogs, kasama na rito ang working dog na si Appa at ang kaniyang handler na tumulong na mahanap ang tatlong taong gulang na batang na-trap ng tatlong araw sa gumuhong lupa.
Pinasalamatan naman ni CDG Southeastern Mindanao District Commander Coast Guard Commodore Rejard Marfe ang mga awardee sa kanilang mga nagawa upang makapagsagip ng buhay. | ulat ni Diane Lear