Kinumpirma ng Deparment of Public Works and Highways (DPWH) na nakumpleto na nila ang road project na inaasahang magpapadali sa pagbyahe ng mga motorista na dumaraan sa Barangay Gotob at Barangay Pinagdapugan.
Ayon sa inilabas na report ng DPWH, ang nasabing kalsada ay mas maayos at mas magiging ligtas para sa mga motorista na bumabagtas sa mga nasabing agricultural barangays.
Dagdag pa ng DPWH, ang 1.87 kilometer na two-lane concrete na Gotob-Pinagdapugan Road ay kargado ng mga road shoulders, lined canals, box culverts bilang mga drainage, at slope protection sa mga strategic areas.
Para din anila sa dagdag na proteksyon ng mga motorista, ang nasabing haba ng kalsada ay nilagyan ng DPWH ng solar powered LED lights para mas ligtas ang byahe lalo tuwing gabi.
Nagkakahalaga ang naturang kalsada ng ₱50-million na nabuo sa ilalim ng pangunguna ng DPWH Albay 3rd District Engineering Office. | ulat ni Lorenz Tanjoco