Jail integration bill, aprubado na Senado

Sa botong 19 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag abstain, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng ang panukalang ilipat ang pangangasiwa ng mga provincial jails sa Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) mula pamamahala ng mga lokal na pamahalaan. Layon ng Senate Bill 2352 na matugunan ang congestion sa… Continue reading Jail integration bill, aprubado na Senado

Sen. Imee Marcos, naghain ng resolusyon para maimbestigahan sa Senado ang isyu sa bentahan ng NFA rice

Naghain si Senadora Imee Marcos ng isang resolusyon para makapagkasa ng senate inquiry tungkol sa isyu ng iregular na pagbebenta ng rice stock ng National Food Authority (NFA) sa ilang mga piling trader. Sa inihaing Senate Resolution 940 ng senadora, hinihikayat ang nararapat na kumite ng Senado na imbestigahan ang kontrobersiya. Para sa senadora, nakakaalarma… Continue reading Sen. Imee Marcos, naghain ng resolusyon para maimbestigahan sa Senado ang isyu sa bentahan ng NFA rice

Sen. Pimentel, nanawagang magkaroon ng rationalization ng mga ayuda program ng pamahalaan

 Hinikayat ni Senate Minority Leader Koko Pimentel si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pangunahan ang pagrebyu sa lahat ng cash assistance program ng pamahalaan. Ayon kay Pimentel, ito ay para maiwasan ang korapsyon at ang magamit ang mga ayuda sa pulitika. Giit ng minority leader, kailangang may rationalization ng mga ayuda program para matiyak… Continue reading Sen. Pimentel, nanawagang magkaroon ng rationalization ng mga ayuda program ng pamahalaan

Dating National Security Adviser, suportado ang panukalang economic charter change

Inihayag ni dating National Security Adviser at retired UP Professor Clarita Carlos ang pagsuporta sa panukalang pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas na tinatalakay ng Committee of the Whole House. Sa pagsalang ng Resolution of Both Houses No. 7 (RBH-7) sa ika-apat na pag-dinig partikular sa probisyon patungkol sa edukasyon, sinabi ni Carlos na… Continue reading Dating National Security Adviser, suportado ang panukalang economic charter change

Isa pang “ghost receipts” criminal case laban sa isang kumpanya, naipanalo ng BIR

Ikinatuwa ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang pagkapanalo ng isa pang criminal case na isinampa sa Department of Justice (DOJ) laban sa “ghost receipts” syndicate. Ayon kay Lumagui, muling nagtagumpay ang BIR sa kanilang kampanya na ‘Run After Fake Transaction’ program nang paboran ng DOJ ang isinampang kaso laban sa… Continue reading Isa pang “ghost receipts” criminal case laban sa isang kumpanya, naipanalo ng BIR

Mga kongresista, hinikayat ang Senado na ipakita ang suporta kay PBBM sa pamamagitan ng pagpapatibay RBH 6

Kung talagang sumusuporta ang mga senador sa administrasyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ay dapat ipakita rin ng mga ito ang suporta sa itinutulak na economic charter change. Ito ang payo ng ilang kongresista sa mga kapwa mambabatas kasunod ng pahayag ni Sen. Cynthia Villar na mayroon nang pitong senador ang hindi boboto pabor… Continue reading Mga kongresista, hinikayat ang Senado na ipakita ang suporta kay PBBM sa pamamagitan ng pagpapatibay RBH 6

DSWD pinarangalan ang kababaihan sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso

Muling pinagtibay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pangako nitong suportahan at itaguyod ang mga karapatan ng kababaihan tungo sa isang mas inklusibong lipunan. Ang hakbang ng DSWD ay alinsunod sa National Women’s Month Celebration (NWMC) ngayong buwan ng Marso. Binibigyang diin ng selebrasyon ang pangangailangang ipakita at gamitin ang buong potensyal… Continue reading DSWD pinarangalan ang kababaihan sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso

Opinyon ng election lawyer sa pagsasabay ng charter change plebiscite sa 2025 mid-term elections, pinaboran ng mga kongresista

Welcome para sa mga mambabatas ng Mababang Kapulungan ang pahayag ng kilalang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal kaugnay sa isyu ng legalidad ng pagsasabay ng plebisito para sa charter amendment sa 2025 mid-term elections. Ani Macalintal, tama ang posisyon ni COMELEC Chair George Garcia na hindi maaaring pagsabayin ang plebesito at halalan dahil… Continue reading Opinyon ng election lawyer sa pagsasabay ng charter change plebiscite sa 2025 mid-term elections, pinaboran ng mga kongresista

Pilipinas, patuloy na igigiit ang territorial integrity sa Benham Rise ayon kay Speaker Romualdez

Mananatili ang paninindigan ng Pilipinas at pagtayo nito sa pagprotekta ng ating teritoryo at paggalang sa rule of law sa rehiyon. Ito ang tiniyak ni Speaker Martin Romualdez kasabay na paghahayag ng pagkabahala sa presensya ng Chinese research vessel sa Philippine Rise o Benham Rise. “The Philippine government remains steadfast in its duty to protect… Continue reading Pilipinas, patuloy na igigiit ang territorial integrity sa Benham Rise ayon kay Speaker Romualdez

Modernisasyon at pagbuo ng auxiliary brigade ng BFP, giniit ni Sen. Tolentino

Suportado ni Senador Francis Tolentino ang ganap na modernisasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) para epektibong masugpo ang tumataas na insidente ng sunog sa bansa. Pinunto ng senador ang datos mula sa fire department, na nagpapakita na tumaas ng 25% ang fire incidents sa bansa nitong 2023 kumpara noong 2022 o mula 13,000 na… Continue reading Modernisasyon at pagbuo ng auxiliary brigade ng BFP, giniit ni Sen. Tolentino