House agriculture panel, iimbestigahan na rin ang ginawang pagbebenta ng NFA ng buffer stock na bigas

Sa pamamagitan ng House Resolution 1611 ay iimbestigahan na rin ng Kamara ang napaulat na pagbebenta ng National Food Authority (NFA) ng buffer stock na bigas sa paluging presyo. Ang resolusyon ay inihain nina House Committee on Agriculture and Food Chair at Quezon Representative Mark Enverga at Abono Party-list Representative Robert Raymund Estrella. Tinukoy sa… Continue reading House agriculture panel, iimbestigahan na rin ang ginawang pagbebenta ng NFA ng buffer stock na bigas

Air show ng ROK Airforce Black Eagles sa Clark Pampanga, dinagsa ng publiko

Dumagsa sa Clark Airbase sa Pampanga ang mga bisita mula sa mga kalapit na lalawigan at siyudad para saksihan ang air show ng Republic of Korea Air Force (ROKAF) Black Eagles matapos itong buksan sa publiko kahapon. Ang aktibidad ay bahagi ng 3 araw na pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon ng… Continue reading Air show ng ROK Airforce Black Eagles sa Clark Pampanga, dinagsa ng publiko

Antas ng tubig sa Luzon dams, bumaba

Patuloy pa ring natatapyasan ang lebel ng tubig sa mga dam sa Luzon dahil sa kakulangan ng ulan sa watershed. Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang umaga ay bumaba pa sa 204.68 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam, higit dalawang metro na ang agwat mula sa 206.35 meters water elevation ng… Continue reading Antas ng tubig sa Luzon dams, bumaba

Philippine Army, tutulong sa mga miyembro ng media na biktima ng karahasan — PTFoMS

Ikinagalak ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang paghahayag ng suporta ng Philippine Army sa PTFoMS. Ayon kay Undersecretary and PTFoMS Executive Director Paul Gutierrez, naging matagumpay ang ginawang pagbisita ng Task Force sa Philippine Army makaraang tiyakin ng huli ang pagbibigay ng buong suporta sa adbokasiya ng Media Task Force. Layon aniya… Continue reading Philippine Army, tutulong sa mga miyembro ng media na biktima ng karahasan — PTFoMS

Pamumuhunan sa renewable energy, mining at digital infra, sentro ng pulong ni PBBM at ng Macquarie Group

Sumentro sa paglalagak ng puhunan sa renewable energy, mining at digital infrastructure ang naging tema ng pagpupulong kanina nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Macquarie Group CEO Shemara Wikramanayake. Ang pulong ang kauna-unahang aktibidad at isa sa sideline activities ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa ikatlong araw ng biyahe nito sa Melbourne,… Continue reading Pamumuhunan sa renewable energy, mining at digital infra, sentro ng pulong ni PBBM at ng Macquarie Group

Projection sa Pilipinas na manguna sa paglago ng ekonomiya sa ASEAN ngayong 2024, inilahad ni PBBM sa harap ng paghikayat sa mga Australyanong negosyante na mamuhunan sa bansa

Sa gitna ng patuloy na panghihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Australian businessmen na mag- invest sa Pilipinas ay inilahad ng Chief Executive ang tinatayang tuloy-tuloy na magandang estado ng ekonomiya ng bansa para sa taong ito. Sa naging talumpati ng Pangulo sa Lowy Institute, inihayag nito na sa solid growth rate… Continue reading Projection sa Pilipinas na manguna sa paglago ng ekonomiya sa ASEAN ngayong 2024, inilahad ni PBBM sa harap ng paghikayat sa mga Australyanong negosyante na mamuhunan sa bansa

Mga hakbang upang labanan ang epekto ng El Niño, paiigtingin sa kabila ng pagbilis ng inflation rate — NEDA

Pinaiigting pa ng pamahalaan ang mga hakbang nito upang maibsan kung ‘di man tuluyang malabanan ang epekto na dulot ng El Niño phenomenon sa bansa. Ito ang pagtitiyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) makaraang i-anunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbilis ng inflation rate sa 3.4% nitong Pebrero. Dahil dito, sinabi… Continue reading Mga hakbang upang labanan ang epekto ng El Niño, paiigtingin sa kabila ng pagbilis ng inflation rate — NEDA

Mga regional director ng PNP, ipinatatawag sa Kamara para magpaliwanag hinggil sa illegal gambling

Hiniling ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa House Committee on Public Order and Safety na imbitahan ang lahat ng regional directors ng Philippine National Police (PNP) sa susunod na pagdinig ng komite. Kasunod ito ng pagtalakay sa House Resolution 1549 na layong imbestigahan ang patuloy na operasyon ng mga iligal na sugal sa… Continue reading Mga regional director ng PNP, ipinatatawag sa Kamara para magpaliwanag hinggil sa illegal gambling

10 Police Juanas, pinarangalan ng PNP sa pagdiriwang ng National Women’s Month

Pinarangalan ng PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang 10 policewomen o “PNP Juanas” bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month. Naging panauhing pandangal sa aktibidad kahapon sa Camp Crame si Mrs. Myrna Javier Reyes, Chairperson at Pangulon ng Don@te Philippines. Kabilang sa mga policewomen na kinilala dahil sa kanilang nagawang kabutihan na… Continue reading 10 Police Juanas, pinarangalan ng PNP sa pagdiriwang ng National Women’s Month

Marikina LGU, sasamantalahin ang El Niño para paigtingin ang dredging activities sa Marikina River

Sasamantalahin ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang panahon ng El Niño gayundin ang papasok na tag-init para paigtingin ang ginagawang dredging activities nito. Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ay upang mapigilan ang mga pagbaha sa lungsod sa sandali namang pumasok na ang panahon ng tag-ulan. Sinabi ni Teodoro, buhat nang simulan ang… Continue reading Marikina LGU, sasamantalahin ang El Niño para paigtingin ang dredging activities sa Marikina River