Int’l tourists sa unang dalawang buwan ng 2024, pumalo na sa mahigit isang milyon

Umabot na sa 1.2 milyong international tourists ang naitala ng Deparment of Tourism simula Enero hanggang Pebrero ng 2024. Ayon kay Tourism Sec. Christina Frasco, patunay ang nasabing bilang ng kinabukasan ng Philippine tourism. Pinasalamatan din ng Kalihim ang Philippine sellers na patuloy na nagsusulong ng turismo ng bansa. Kumpiyansa din si Frasco na magtutuloy-tuloy… Continue reading Int’l tourists sa unang dalawang buwan ng 2024, pumalo na sa mahigit isang milyon

GSIS, binuksan ang kanilang proyektong pabahay sa publiko; suporta sa pabahay projects ni PBBM, tiniyak

Binigyang diin ng pamunuan ng Government Service Insurance System na suportado ng kanilang opisina ang pabahay projects ni Pangulong Ferdinand. R. Macos Jr. Ayon kay GSIS Corporate Communications Office Vice President Margie Jorillo, ginagawa nila ang lahat para suportahan ang nasabing proyekto kung saan binuksan na nila ang kanilang pabahay program maging sa mga hindi… Continue reading GSIS, binuksan ang kanilang proyektong pabahay sa publiko; suporta sa pabahay projects ni PBBM, tiniyak

Pagpapatupad ng training program ng TESDA, mas pinalakas

Nagsagawa ang pamunuan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng 3-day General Directorate Conference. Layon nito na mapagyabong pa ang kakayanan ng ahensya na ipatupad ang kanilang technical vocational education and training program. May tema ang naturang programa na ‘Building Momentum Evaluating Progress and Success for All Remaining Implementation 2024’. Pinangunahan ang naturang… Continue reading Pagpapatupad ng training program ng TESDA, mas pinalakas

Kumpirmasyon ng 46 na matataas na opisyal ng militar, ikinalugod ng AFP

Ikinalugod ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-kumpirma ng Commission on Appointments (CA) sa pangunguna ni Senate President at CA Chairperson Juan Miguel Zubiri, ng ad-interim appointment ng 46 na senior military officials. Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang kumpirmasyon ng naturang mga opisyal ay testamento ng epektibong… Continue reading Kumpirmasyon ng 46 na matataas na opisyal ng militar, ikinalugod ng AFP

Sektor ng agrikultura, makakabenepisyo din sa nilagdaang ASEAN-Australian-New Zealand Free Trade Agreement

Positibo si Quezon Rep. Mark Enverga na makikinabang din ang sektor ng agrikultura matapos lumagda ang Pilipinas sa second protocol ng ASEAN-Australia-New Zealand Free Trade Agreement . Ginawa ito sa pagdalo ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Australia-ASEAN Summit. Bagamat pangunahing makikinabang dito ang mga micro, small, medium enterprise o MSME, sinabi ni Enverga… Continue reading Sektor ng agrikultura, makakabenepisyo din sa nilagdaang ASEAN-Australian-New Zealand Free Trade Agreement

Crackdown sa pagbebenta ng vape products sa menor de edad, isusulong ng PNP

Inatasan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. si PNP Directorate for Operations (DO) Director PMaj. Gen. Ronald Lee na bumuo ng mga guidelines sa ilulunsad na “crackdown” sa ilegal na pagbebenta ng vape products sa mga menor de edad. Ito’y matapos na humingi ng tulong sa PNP si Department of Health Secretary Teodoro… Continue reading Crackdown sa pagbebenta ng vape products sa menor de edad, isusulong ng PNP

Napaulat na pagpapapasok ng BOC ng smuggled na ukay-ukay, pinasisiyasat sa Kamara

Pinapaimbestigahan ni Manila Representative Bienvenido Abante ang napaulat na katiwalian at smuggling sa loob mismo ng Bureau of Customs (BOC). Sa House Resolution 1602 tinukoy ng mambabatas na may ilang opisyal at empleyado ng BOC ang tumatanggap ng “tongpats” o dagdag bayad kapalit ng pagpayag na maipasok ang mga iligal na produkto gaya ng ukay-ukay… Continue reading Napaulat na pagpapapasok ng BOC ng smuggled na ukay-ukay, pinasisiyasat sa Kamara

Pagpasa sa pangalawang pagbasa ng Real Property Valuation and Assessment Reform (RPVAR) welcome sa DOF

Welcome ng Department of Finance (DOF) ang pag-apruba ng Senado ng Real Property Valuation and Assessment Reform (RPVAR) o Senate Bill 2386 sa pangalawang pagbasa. Layon ng panukalang batas na idevelop ang standard process para  real property valuation, kung saan paghuhusayin nito ang koleksyon mula sa Real Property Tax. Ayon sa DOF, ang RPVAR ay pagsusulong ng local… Continue reading Pagpasa sa pangalawang pagbasa ng Real Property Valuation and Assessment Reform (RPVAR) welcome sa DOF

Kasunduan sa kooperasyong pandepensa sa pagitan ng Pilipinas at Bahrain, inaasahang maisasapinal

Kapwa inaasahan ng Pilipinas at Bahrain ang pagsasapinal ng kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa sa larangan ng kooperasyong pandepensa. Ang Philippines-Bahrain Memorandum of Understanding on Defense Cooperation ay kabilang sa mga napag-usapan ni Department of National Defense (DND) Assistant Secretary Gavin Edjawan at Lieutenant Colonel Fahad Jabor Akaif Hameed Alsowaidi, sa courtesy call ng… Continue reading Kasunduan sa kooperasyong pandepensa sa pagitan ng Pilipinas at Bahrain, inaasahang maisasapinal

“Safeguards” sa pagpapahintulot sa mga sibilyan na mag-may-ari ng semi-auto rifles, tiniyak ng PNP

Tiniyak ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na may sapat na “safeguards” ang PNP para masiguro na hindi maaabuso ang pagpapahintulot sa mga sibilyan na bumili at magmay-ari ng mga semi-automatic rifles. Ayon kay Col. Fajardo, sa ilalim ng inamyendahang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RA 10591 o… Continue reading “Safeguards” sa pagpapahintulot sa mga sibilyan na mag-may-ari ng semi-auto rifles, tiniyak ng PNP