Umano’y paniningil sa mga guro sa Palawan para makalipat ng lugar, iniimbestigahan na ng DepEd

Iniimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) ang umano’y paniningil sa ilang mga guro na nagnanais lumipat ng lugar. Ito’y makaraang ireklamo ng ilang guro sa Palawan ang hinggil sa paniningil sa kanila ng ₱30,000 para makalipat ng ibang lugar. Ayon kay DepEd Spokesperson at Undersecretary Michael Poa, iligal ang naturang aktibidad at inaalam na… Continue reading Umano’y paniningil sa mga guro sa Palawan para makalipat ng lugar, iniimbestigahan na ng DepEd

6 na barangay sa bayan ng Himamaylan, Negros Occidental, ramdam na ang epekto ng El Niño — NDRRMC

Nakararanas na ng kakapusan sa tubig ang may anim na barangay sa bayan ng Himamaylan, lalawigan ng Negros Occidental. Ito, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ay bunsod pa rin ng epekto ng El Niño phenomenon. Kabilang sa mga natukoy ng NDRRMC ay ang mga barangay ng Cabadiangan, Nabalian, Carabalan, Su-ay,… Continue reading 6 na barangay sa bayan ng Himamaylan, Negros Occidental, ramdam na ang epekto ng El Niño — NDRRMC

1,000 katao na nasunugan sa Maynila, tumanggap ng ayuda mula sa DSWD at kay Sen. Bong Revilla Jr.

Nasa 1,000 pamilya ang nakinabang sa ginawang pamamahagi ng ayuda ng tanggapan ni Sen. Bong Revilla Jr. katuwang ang lokal na pamahalaan ng Maynila. Ito’y sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Pinangunahan mismo ng maybahay ng senador na si Cavite 2nd District Representative… Continue reading 1,000 katao na nasunugan sa Maynila, tumanggap ng ayuda mula sa DSWD at kay Sen. Bong Revilla Jr.

Frozen meat, mas tinatangkilik ng mga mamimili sa Marikina City Public Market

Patok ngayon sa mga mamimili sa Marikina City Public Market ang frozen meat bunsod na rin ng mataas na presyo ng sariwang karne ng baboy. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, aabot sa ₱100 ang deperensya sa presyo ng frozen at sariwang karne. Halimbawa na lamang sa kasim na na nasa ₱240 ang kada kilo sa… Continue reading Frozen meat, mas tinatangkilik ng mga mamimili sa Marikina City Public Market

Senate Inquiry tungkol sa pagpapahintulot sa mga sibilyan na magmay-ari ng mataas na kalibre ng baril, isinusulong ni Sen. Imee Marcos

Naghain si Senador Imee Marcos ng isang panukalang batas na layong maimbestigahan sa Senado ang kaangkupan na payagan ang mga sibilyan na magmay-ari ng semi-automatic rifles. Ginawa ng senador ang pagsusulong ng Senate Inquiry kasunod ng pagpapahintulot na magmay-ari ang mga sibilyan ng semi-automatic firearms alinsunod na rin sa inamyendahang implementing rules and regulations (IRR)… Continue reading Senate Inquiry tungkol sa pagpapahintulot sa mga sibilyan na magmay-ari ng mataas na kalibre ng baril, isinusulong ni Sen. Imee Marcos

Mga mambabatas “deadma” sa pagtutol ng China sa Maritime Zone Act

Pursigido ang Kongreso sa pagsasabatas ng Philippine Maritime Zone Act sa kabila ng pagtutol ng China dito. Ayon kay House Deputy Majority Leader at Mandaluyong City Representative Neptali “Boyet” Gonzales II, pagtitibayin ng Pilipinas ang naturang panukala dahil kailangan ito ng ating bansa at labas na dito ang China. Layon ng panukala na itakda at… Continue reading Mga mambabatas “deadma” sa pagtutol ng China sa Maritime Zone Act

Pakikiramay at pagkilala sa namayapang aktres na si Jaclyn Jose, inihain sa Kamara

Inihain ng Makabayan Bloc sa Kamara ang resolusyon upang ipaabot ang pakikiramay sa naiwang pamilya ng aktres na si Jacklyn Jose o Mary Jane Guck sa tunay na buhay. Sa House Resolution 1628, ay kinilala ang legasiya at malaking ambag ng aktres sa industriya ng pelikula at telebisyon. Kabilang dito ang mga natanggap na parangal… Continue reading Pakikiramay at pagkilala sa namayapang aktres na si Jaclyn Jose, inihain sa Kamara

Kumalat na balitang wala na si dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos, fake news — Malacañang source

Fake news ang una nang kumalat na balitang wala na si dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos. Ayon sa isang source sa Malacañang, walang katotohanan ang naturang impormasyon kasunod ng lumabas na ulat hinggil sa pagkakaroon ni Gng. Marcos ng slight pneumonia na kinumpirna naman ni Senador Imee Marcos. Kaugnay nito, mula sa Villamor Airbase kung… Continue reading Kumalat na balitang wala na si dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos, fake news — Malacañang source

Pinal na desisyon ng SC sa ganap na pagpapatupad ng Single Ticketing System, hinihintay pa ng MMDA

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi pa “final and executory” ang naging desisyon ng Korte Suprema. Ito’y makaraang baliktarin ng High Tribunal ang nauna namang desisyon ng Court of Appeals na nagbabawal sa mga Lokal na Pamahalaan na manghuli at mag-issue ng ticket para sa mga lumalabag sa batas-trapiko. Ayon kay MMDA… Continue reading Pinal na desisyon ng SC sa ganap na pagpapatupad ng Single Ticketing System, hinihintay pa ng MMDA

Validity ng mga lisensya ng baril, pinalawig mula 5 hanggang 10 taon

Matatagalan na ang pagre-renew ng mga gun owner sa kanilang License to Own and Possess Firearms (LTOPF). Ito’y makaraang palawigin pa ng Philippine National Police (PNP) ang validity ng mga lisensya ng baril sa lima hanggang 10 taon mula sa dating isa hanggang dalawang taon. Ito’y makaraang ipatupad ng PNP Firearms and Explosives Office sa… Continue reading Validity ng mga lisensya ng baril, pinalawig mula 5 hanggang 10 taon