Pinarangalan ng PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang 10 policewomen o “PNP Juanas” bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month.
Naging panauhing pandangal sa aktibidad kahapon sa Camp Crame si Mrs. Myrna Javier Reyes, Chairperson at Pangulon ng Don@te Philippines.
Kabilang sa mga policewomen na kinilala dahil sa kanilang nagawang kabutihan na higit sa tawag ng tungkulin sina:
Police Major Rowena M. Jacosalem ng Directorate for Police Community Relations (DPCR), Police Major Rhoan Joy A. Cabusi ng Special Action Force (SAF), Police Captain Resel E. Guevarra ng NCR Police Office (NCRPO), Police Lieutenant Genevieve Keith S. Victorio ng Health Service (HS), Police Corporal Shela Musa Rosarito at Police Corporal Eden Joy T. Hernandez, ng NCR Police Office (NCRPO), Patrolwoman Geraldine G. Bumakkit at Patrolwoman Jelly A. Banawa, ng Special Action Force (SAF), Non-Uniformed Personnel Janette S. Ordinario ng Police Regional Office 2 (PRO 2), at Non-Uniformed Personnel Perlita P. Herminado ng Directorate for Police Community Relations (DPCR).
Bilang bahagi ng pagdiriwang, kinilala din ang ilang mga Gender and Development (GAD) advocates at stakeholders, kabilang ang British Embassy Manila, the International Narcotics and Law Enforcement Affairs ng U.S. Embassy Manila, Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU), Stairway Foundation Inc., at PNP Officers’ Ladies Club. | ulat ni Leo Sarne
📷: PNP-PIO