Tumanggap ng tulong mula sa pamahalaan ang nasa 1,000 indibidwal mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD).
Nasa P3,000 cash at welfare goods ang tinanggap ng mga benepisaryo mula sa Indigenous Peoples (IP) community sa bayan ng Columbio sa probinsiya ng Sultan Kudarat.
Pinangunahan ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo kasama si Governor Datu Pax Ali Mangudadatu ang pamimigay ng nasabing tulong.
Pinasalamatan naman ng gobernador ang opisina ni Rep. Tulfo at ang DSWD, sa pagbibigay ng tulong sa mga residente mula sa nasabing bayan.
Siniguro naman ng mambabatas na patuloy na bukas ang opisina nito sa mga mahihirap na nangangailan ng tulong mula sa pamahalaan. | ulat ni Sheila Lisondra, Radyo Pilipinas Davao