7 araw na Scholarship Program Caravan sa Lungsod Quezon, umarangkada na

Tuloy-tuloy na ang Scholarship Program Caravan sa Lungsod Quezon na handog ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang barangay. Sinimulan ang aktibidad noong Marso 9 at ipagpapatuloy hanggang Marso 15. Sakop ng Caravan ang Barangay Talipapa at Barangay Roxas sa district 4; Barangay Camp Aguinaldo, District 3; Barangay Sta. Lucia, District 5; at ang Barangay… Continue reading 7 araw na Scholarship Program Caravan sa Lungsod Quezon, umarangkada na

Senate inquiry tungkol sa mga hindi naidedeliver na balikbayan boxes, isinusulong ni Sen. Lapid

Pinaiimebstigahan ni Senador Lito Lapid ang impormasyon tungkol sa pagkawala at pag-abandona sa mga bodega ng libu-libong mga balikabayan boxes ng mga overseas filipino workers (OFWs). Inihain ng senador ang Senate Resolution 950 kasabay ng pag-apela sa Senate leadership na aksyunan ang nasabing problema dahil mahalaga aniyang maparusahan ang mga manggagantsong foreign at local cargo… Continue reading Senate inquiry tungkol sa mga hindi naidedeliver na balikbayan boxes, isinusulong ni Sen. Lapid

11 crew ng barkong True Confidence na tinamaan ng missile attack ng Houthi, nakatakdang dumating sa bansa bukas – DMW

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nakatakdang dumating bukas ang 11 Pilipinong crew ng barkong True Confidence na tinamaan ng missile attack ng Houthi habang dumadaan sa Gulf of Aden. Ayon kay Migrant Workers Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, pinaghahandaan na nila ang pagdating ng 11 Pilipino. Sa bilang na ito, 10 ang hindi… Continue reading 11 crew ng barkong True Confidence na tinamaan ng missile attack ng Houthi, nakatakdang dumating sa bansa bukas – DMW

SP Migz Zubiri, ginarantiya ang legislative support para sa PNP

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa pamunuan ng pambansang pulisya na ginagawa lahat ng senador ang makakaya nito para suportahan ang pangangailangan ng mga pulis. Ginawa ng Senate President ang pahayag sa naging pagdalo nito sa 44th Grand Alumni Homecoming ng Philippine National Police Academy (PNPA). Ipinunto ni Zubiri, na kailangang magtulungan ang… Continue reading SP Migz Zubiri, ginarantiya ang legislative support para sa PNP

4Ps beneficiaries, hinikayat na magparehistro sa PhilSys ng DSWD

Hinihikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na magparehistro para sa Philippine Identification System (Philsys). Ayon kay DSWD Secretary Romel Lopez, layon nitong mapabilis ang proseso ng departamento at matanggap ng maayos ng beneficiaries ang social assistance. Ang inisyatibo ay bunsod ng matatag na… Continue reading 4Ps beneficiaries, hinikayat na magparehistro sa PhilSys ng DSWD

House Deputy Speaker, kinilala ang naging papel ng Pangulo sa makasaysayang pagbisita ng US Trade Mission sa Pilipinas

Pinuri ni Deputy Speaker David ‘Jayjay’ Suarez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa naging mahalagang papel nito para sa pagpapadala ng Estados Unidos ng kauna-unahan nitong trade mission sa Pilipinas. Sa isang pulong balitaan sa sinabi ni Suarez, na marapat lang batiin ang punong ehekutibo dahil isa ito sa mga bunga ng kaniyang pag-iikot… Continue reading House Deputy Speaker, kinilala ang naging papel ng Pangulo sa makasaysayang pagbisita ng US Trade Mission sa Pilipinas

OWWA, nagsagawa ng information drive sa mga programa at serbisyo nito sa OFWs sa Germany

Nagsagawa ng information drive ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Germany para sa programa at serbisyo ng OWWA. Personal na tumungo si OWWA Administrator Arnel Ignacio sa Germany para personal na ihatid ang mga programa ng OWWA sa mga ito. Aniya, nakahandang umalalay ang OWWA sa anumang tulong… Continue reading OWWA, nagsagawa ng information drive sa mga programa at serbisyo nito sa OFWs sa Germany

Energy contingency plan sa gitna ng mas mainit na panahon, ipinanawagan ni Sen. Win Gatchalian

Pinatitiyak ni Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na magkakaroon ng contingency plan ngayong painit nang painit ang panahon, para matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa gitna ng El Niño phenomenon. Ayon kay Gatchalian, ang epekto ng El Niño ay magiging isang malaking problema hindi lamang sa usapin ng seguridad sa… Continue reading Energy contingency plan sa gitna ng mas mainit na panahon, ipinanawagan ni Sen. Win Gatchalian

Real Property Valuation Bill, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado

Sa botong 23 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag abstain, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang Real Property Valuation and Assessment Reform Act (Senate Bill 2386). Sa ilalim ng naturang panukala ay bibigyan ng amnestiya sa loob ng dalawang taon ang mga hindi nakabayad ng interes at… Continue reading Real Property Valuation Bill, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado

ROTC program, makakatulong sa pagdepensa ng teritoryo ng bansa sa WPS – Sen. Bato dela Rosa

Giniit ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Dugs chairman Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na kailangan ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) program para mapalakas ang depensa ng bansa sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea. Ayon kay Dela Rosa, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng reserve force ng bansa ay mapapalakas rin… Continue reading ROTC program, makakatulong sa pagdepensa ng teritoryo ng bansa sa WPS – Sen. Bato dela Rosa