40-41°C heat index, posibleng maranasan sa ilang lugar sa bansa

Inaasahan ng PAGASA na mas tataas ang temperatura gayundin ang heat index o alinsangan sa katawan sa ilang lugar sa bansa ngayong araw. Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo hanggang sa 40-41°C ang pinakamataas na heat index na maitala sa Dagupan City, Pangasinan, La Granja La Carlota, Negros Occidental at sa General… Continue reading 40-41°C heat index, posibleng maranasan sa ilang lugar sa bansa

100 residente ng Montalban, Rizal, pinagkalooban ng Negosyo sa Kariton livelihood starter kits ng DOLE

Pinagkalooban ng Negosyo sa Kariton livelihood starter kits ang 100 residente ng Montalban, Rizal sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) kamakailan. Ayon sa pabatid ng DOLE Calabarzon, bawat benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ay tumanggap ng panimulang negosyo na nagkakahalaga ng P30,000. Kabilang sa kits na ito ang maliit na burger stand… Continue reading 100 residente ng Montalban, Rizal, pinagkalooban ng Negosyo sa Kariton livelihood starter kits ng DOLE

NOW Telecom, hindi pinayagan ng Supreme Court na maging major telecom

Nabigo ang NOW Telecom Company na makakuha ng paborableng desisyon sa Korte Suprema matapos ibasura ang kanilang petisyon na kilalanin sila bilang major telecom. Ito ay matapos katigan ng Supreme Court 1st Division ang naging desisyon ng Court of Appeals noong 2021 na nagbasura sa petisyon ng NOW Telecom Company na humihiling na mapatigil ang… Continue reading NOW Telecom, hindi pinayagan ng Supreme Court na maging major telecom

Opinyon ng EV stakeholders pakikinggan sa pagrebisa ng EO12—NEDA Sec. Balisacan

Agad na sisimulan ang public hearings sa pagrebisa sa Executive Order No. 12, series of 2023, upang “maingat na isaalang-alang ang lahat ng mga pananaw ng industry stakeholders,” ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan. Inatasan ni Balisacan ang Tariff Commission, isang ahensiya sa ilalim ng NEDA, na magsagawa ng open… Continue reading Opinyon ng EV stakeholders pakikinggan sa pagrebisa ng EO12—NEDA Sec. Balisacan

Buffer Stocking program ng pamahalaan, pinababantayan ng Makati solon kasunod ng naungkat na bigas scam sa NFA

Nanawagan si Makati City Representative Luis Campos Jr. para sa mas mahigpit na oversight ng Kongreso kaugnay sa ₱9-billion Rice Buffer Stocking Program ng pamahalaan, kasunod ng preventive suspension na ipinataw ng Ombudsman sa higit 100 opisyal ng National Food Authority (NFA) dahil sa bigas scam. Aniya kailangan bantayan ng Kongreso ang buffer stocking program… Continue reading Buffer Stocking program ng pamahalaan, pinababantayan ng Makati solon kasunod ng naungkat na bigas scam sa NFA

Konsumo sa kuryente, asahan nang tataas ngayong papasok na ang tag-init

Muling nagpaalala ang Manila Electric Company (MERALCO) sa publiko hinggil sa Kuryente Tipid Tips ngayong nalalapit na ang panahon ng tag-init. Ito’y ayon sa MERALCO, kasunod ng pahayag ng PAGASA hinggil sa patuloy na paghina ng hanging amihan o northeast monsoon kaya’t asahan na ang maalinsangan at mainit na temperatura sa mga susunod na araw.… Continue reading Konsumo sa kuryente, asahan nang tataas ngayong papasok na ang tag-init

Libreng serbisyo para sa mga kababaihan, alok ngayong linggo sa Caloocan City Medical Center

Bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Women’s Month, iba’t ibang libreng serbisyo ang alok ng pamahalaang lungsod ng Caloocan para sa mga kababaihang residente. Partikular dito ang Caloocan City Medical Center (CCMC) na buong linggong may aktibidad para sa mga kababaihan. Kabilang dito ang libreng Pre-natal Yoga ngayong Lunes, March 11. Mayroon ding libreng… Continue reading Libreng serbisyo para sa mga kababaihan, alok ngayong linggo sa Caloocan City Medical Center

Aplikasyon para sa Doctor of Medicine Program ng Samar State University, inaprubahan ng CHED

Mas accessible na ang Medical Education sa mga estudyante sa Eastern Visayas matapos aprubahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang aplikasyon para sa Doctor of Medicine program ng Samar Island Institute of Medicine (SIIM) sa Samar State University (SSU). Ayon kay CHED Secretary Prospero de Vera, ang pagpapalawak ng Medical Education sa Samar ay… Continue reading Aplikasyon para sa Doctor of Medicine Program ng Samar State University, inaprubahan ng CHED

Apela ng PS-DBM sa desisyon ng Ombudsman hinggil sa mga irigularidad ng Pharmally Pharmaceutical Corp, ibinasura ng Court of Appeals

Hindi pinakinggan ng Court of Appeals ang inihain na apela ng kinatawan ng dating direktor ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) na kumukwestyon sa desisyon ng Ombudsman kaugnay sa mga iregularidad ng Pharmally Pharmaceutical Corporation. Sa resolusyon ng 9th Division ng Court of Appeals, ibinasura nito ang petition for review na… Continue reading Apela ng PS-DBM sa desisyon ng Ombudsman hinggil sa mga irigularidad ng Pharmally Pharmaceutical Corp, ibinasura ng Court of Appeals

Pagpayag ng PNP na magkaroon ng high powered firearms sa mga pribadong indibidwal, ikinababahala ng Presidential Task Force on Media Security

Tutol ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na bigyan ng karapatan na mag-may-ari ng matataas na kalibre ng baril ang mga private individuals. Ayon kay PTFoMS Executive Director Paul Gutierrez, nakakabahala ang desisyong ito ng Philippine National Police (PNP) dahil mistulang hindi nila kayang bantayan ang komunidad. Makakalikha daw ng takot ang desisyon… Continue reading Pagpayag ng PNP na magkaroon ng high powered firearms sa mga pribadong indibidwal, ikinababahala ng Presidential Task Force on Media Security