Top leader ng NPA sa Surigao del Norte, 3 kasama, sumuko sa militar

Sumuko sa 30th Infantry Battalion headquarters ang top leader ng NPA sa Surigao Del Norte at tatlo nitong kasamahan, dala ang isang katutak na armas ng mga teroristang komunista. Kinilala ni 901st Brigade Commander Brigadier General Arsenio DC Sadural ang sumukong lider komunista na si Juanita Leyson, alyas “Kikay”, ang Secretary ng Sub-Regional Committee Northland… Continue reading Top leader ng NPA sa Surigao del Norte, 3 kasama, sumuko sa militar

Panukalang patawan ng mas mabigat na parusa ang mga masasangkot sa road rage, umusad na sa Kamara

Nakatakdang pag-isahin ng House Committee on Transportation ang nasa limang panukala na layong magpataw ng mas mabigat na parusa para sa mga masasangkot sa ‘road rage’. Isa dito ang House Bill 8991 na pangunahing iniakda ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo. Sa kaniyang bersyon, nakasaad na sinumang sangkot sa road rage, na nagresulta sa… Continue reading Panukalang patawan ng mas mabigat na parusa ang mga masasangkot sa road rage, umusad na sa Kamara

ACG, pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa ‘vacation scam’

Muling pinaalalahanan ng PNP Anti-Cyber Crime Group (ACG) ang publiko na mag-ingat sa mga scam partikular sa pagsapit ng Holy Week. Ayon kay PNP ACG Director Police Maj. General Sydney Sultan Hernia ang panahong ito ay kalimitang sinasamantala ng mga scammer para mambiktima sa pamamagitan ng “vacation scam”. Kalimitan aniya itong isinasagawa sa pamamagitan ng… Continue reading ACG, pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa ‘vacation scam’

Pagbawi sa prangkisa ng SMNI, kailangan pa dumaan sa Senado ayon sa House panel chair

Nilinaw ni House Committee on Legislative Franchises Chair Gus Tambunting na sasailalim sa regular na proseso ang panukalang bawiin ang legislative franchise ng Swara Sug Media Corporation o Sonshine Media Network International (SMNI). Sa pulong balitaan, sinabi ni Tambunting na gaya ng ibang panukala, kailangan isalang sa plenaryo ng Kamara ang panukala at ipasa sa… Continue reading Pagbawi sa prangkisa ng SMNI, kailangan pa dumaan sa Senado ayon sa House panel chair

Farmgate price ng palay noong Pebrero, tumaas — PSA

Muling naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mas mataas na average farmgate price ng palay nitong buwan ng Pebrero. Sa monitoring nito, tumaas pa sa P25.21 ang kada kilo ng palay. Mas mataas ito ng 1.2% kung ikukumpara sa P24.92 na kada kilo ng palay farmgate price noong Enero at mas mataas rin ng… Continue reading Farmgate price ng palay noong Pebrero, tumaas — PSA

Suplay ng kuryente sa bansa, nananatiling sapat sa kabila ng nagpapatuloy na El Niño

Namamalagi ang katatagan sa suplay ng kuryente sa harap ng patuloy pa ring nararanasang El Niño phenomenon. Ito ang pagtiyak ng Malacañang base na rin sa ulat na ipinararating sa kanila ng Department of Energy. Ayon Kay PCO Assistant Secretary Joey Villarama na siya ring tagapagsalita ng Task Force El Niño, wala namang major power… Continue reading Suplay ng kuryente sa bansa, nananatiling sapat sa kabila ng nagpapatuloy na El Niño

Mga problemang posibleng kaharapin kasunod ng tagtuyot, dapat nang paghandaan — Task Force El Niño

Inihayag ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Joey Villarama na dapat nang asahan ng pamahalaan ang mga problemang maaaring kaharapin ng bansa sa hinaharap. Sa harap na rin ito ng nakabuntot na La Niña pagkatapos ng matinding tag-init na nararanasan dulot ng El Niño. Ayon kay Villarama, bilin mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr… Continue reading Mga problemang posibleng kaharapin kasunod ng tagtuyot, dapat nang paghandaan — Task Force El Niño

Mga opisyal na nagkulang sa pagpapahintulot na makapagpatayo ng resort sa gitna ng Chocolate Hills, dapat managot — Sen. Legarda

Iginiit ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda na panahon nang panagutin ang mga lokal at national agency officials na nagkulang at nagpabaya sa pagpapahintulot na makapagpatayo ng resort sa gitna ng Chocolate Hills National Monument. Ang Chocolate Hills ay idineklara bilang protected area noon pang 1997. Kabilang sa pinunto ni Legarda ang pagdedeklara ng… Continue reading Mga opisyal na nagkulang sa pagpapahintulot na makapagpatayo ng resort sa gitna ng Chocolate Hills, dapat managot — Sen. Legarda

AFP, dumistansya sa kaso ng isang heneral na inakusahan ng pang-aabuso

Tumangging magkomento ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kaso ni Brigadier General Ranulfo Sevilla matapos siyang akusahan ng pang-aabuso ng sarili nitong pamilya. Ayon kay AFP Spokesperson, Colonel Francel Padilla, nagpapatuloy kasi ang prosesong ligal sa pagitan ng heneral at pamilya nito kaya’t makabubuti munang dumistansya sila sa usapin. Gayunman, nilinaw ni Padilla… Continue reading AFP, dumistansya sa kaso ng isang heneral na inakusahan ng pang-aabuso

Permanenteng Kadiwa, itatayo sa Limay, Bataan — DA

Magkakaroon ng permanenteng Kadiwa site sa Limay sa probinsya ng Bataan. Kasunod ito ng pag-turn over ng Department of Agriculture ng ₱5-million para sa pagbubukas ng isang permanenteng Kadiwa sa lugar. Pinangunahan mismo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang paghahatid ng tulong pinansyal sa lalawigan. Ayon sa kalihim, inaasahang 3,826 na mga magsasaka ang… Continue reading Permanenteng Kadiwa, itatayo sa Limay, Bataan — DA