Panukala para imodernisa ang PGH, pinamamadali kasunod ng nangyaring sunog dito

Umaasa si House Committee on Health Chair at Batanes Representative Ciriaco Gato Jr. na mapabilis ang pagtalakay sa Kamara ng mga panukala para sa modernisasyon ng Philippine General Hospital (PGH). Ayon kay Gato, ang kagyat na pagsasabatas ng mga panukalang ito ay makatutulong para sa mabilis na pagsasaayos ng PGH kasunod ng sunog sa apat… Continue reading Panukala para imodernisa ang PGH, pinamamadali kasunod ng nangyaring sunog dito

Pagtatag ng Dept of Economy, Planning, & Development, paraan upang maisakatuparan ang mga plano, polisiya, programa ng Pamahalaan — NEDA

Naniniwala ang National Economic and Development Authority (NEDA) na kanila pang mapag-iibayo ang pagganap sa tungkulin sa sandaling umarangkada na ang re-organization sa kanilang hanay. Ito ang tinuran ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan kasabay ng paghimok nito sa Kongreso na ipasa ang panukalang magtatatag naman sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev). Sa kauna-unahang… Continue reading Pagtatag ng Dept of Economy, Planning, & Development, paraan upang maisakatuparan ang mga plano, polisiya, programa ng Pamahalaan — NEDA

PhilHealth hotline, bukas na 24-oras

Inanunsyo ngayon ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na 24-oras nang bukas ang kanilang hotline. Ito’y para sa mabilis at epektibong pagsangguni ng mga miyembro nito na may kinamalan sa kanilang benepisyo. Kasabay nito, inilunsad din ng State Health Insurer ang “Click to Call” channel sa kanilang website upang 24-oras ding bukas. Ayon kay… Continue reading PhilHealth hotline, bukas na 24-oras

RBH7, pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang Resolution of Both Houses No. 7 o panukalang pag-amyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution. Tumagal ng dalawang araw ang interpelasyon at debate sa panukalang Economic Charter Change. Bago ito, dalawang linggong sumalang sa Committee of the Whole ang Kamara kung saan inimbitahan ang iba’t ibang… Continue reading RBH7, pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

Pres. Marcos Jr, di na ikinagulat ang pahayag ni Chinese President Xi sa pagpapahanda nito sa Armed Forces sa military conflict sa karagatan

Wala nang bago sa statement ni Chinese President Xi Jinping kung saan pinapayuhan nito ang Armed Forces na maghanda para sa military conflict at pagprotekta sa maritime rights ng kanilang bansa. “Although he did not, President Xi Jinping did not state that outright until now, that really has really been the policy since I think… Continue reading Pres. Marcos Jr, di na ikinagulat ang pahayag ni Chinese President Xi sa pagpapahanda nito sa Armed Forces sa military conflict sa karagatan

Pres. Marcos Jr, nasa Czech Republic na para sa 2 araw na State Visit

Eksakto 12:43 ng madaling araw (5:43pm – Prague time), lumapag sa Vaclav Havel International Airport ang PR 001 o ang eroplanong sinasakyan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa dalawang araw na State Visit sa Prague, Czech Republic. Tinatayang tumagal ng 31 minuto ang biyahe ng Pangulo mula nang mag-take off ang PR 001,… Continue reading Pres. Marcos Jr, nasa Czech Republic na para sa 2 araw na State Visit

3 scammer na nagpanggap na may koneksyon sa First Lady, arestado ng CIDG

Inaresto ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlong  umano’y scammer na nagpanggap na konektado kay First Lady Liza Araneta Marcos para mag-extort ng pera mula sa complainant. Nahuli si alias “Isko,” at dalawang kasama nitong sina alias “Joselito,” at isang Marine na si alias “German,” sa entrapment operation sa… Continue reading 3 scammer na nagpanggap na may koneksyon sa First Lady, arestado ng CIDG

Philippine Army, di kukunsintihin ang pang-aabuso sa asawa at pamilya ng kanilang mga tauhan

Nanindigan ang Philippine Army na hindi nila kukunsintihin ang pang-aabuso ng kanilang mga tauhan sa kanilang mga asawa at pamilya. Sa isang mensahe, sinabi ni Philippine Army Spokesperson Colonel Louie Dema-ala na pinapahalagahan ni Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido ang kabanalan ng pamilya dahil malaki ang epekto nito sa propesyonal na pag-unlad at… Continue reading Philippine Army, di kukunsintihin ang pang-aabuso sa asawa at pamilya ng kanilang mga tauhan

Higit kalahating milyong temporary government workers, isinama na sa SSS Coverage

Mahigit kalahating milyong job order at contract of service government workers ang maaari nang magtamasa ng social security protection ng Social Security System. Ito’y dahil sa ipinatupad na SSS membership expansion program ng ahensya. Sinabi ni SSS Executive Vice President for Branch Operations Sector Voltaire Agas, napagpasyahan ng SSS na isama ang temporary government workers… Continue reading Higit kalahating milyong temporary government workers, isinama na sa SSS Coverage

Kamara, binigyan ng sapat na panahon si Pastor Quiboloy para ipaliwanag ang kaniyang panig

Nanindigan si House Committee on Legislative Franchises Chair at Parañaque City Rep. Gus Tambunting na sinunod ng kamara ang due process at binigyang na rin ng sapat na panahon si Pastor Apollo Quiboloy para ipaliwang ang kaniyang panig. Ito ay kasunod ng contempt order na inilabas ng komite laban sa pastor matapos bigong dumalo pa… Continue reading Kamara, binigyan ng sapat na panahon si Pastor Quiboloy para ipaliwanag ang kaniyang panig