Terrorist attack ng NPA, napigilan ng militar

Napigilan ng 2nd Infantry Division (2ID) ng Philippine Army ang potensyal na teroristang pag-atake ng New People’s Army sa pagkakadiskubre ng kanilang naka-imbak na armas at pampasabog sa General Nakar, Quezon. Sa ulat ni Lt. Col. Hector Estolas, tagapagsalita ng 2ID, nagsasagawa ng focused military operation ang mga tropa ng 1st Infantry “Always First” Battalion… Continue reading Terrorist attack ng NPA, napigilan ng militar

4 na babaeng opisyal ng PAF, kabilang sa ‘Outstanding Women in Law Enforcement and National Security’

Ipinagmalaki ng Philippine Air Force ang pagkakabilang ng apat nilang babaeng opisyal sa mga pararangalan ng Outstanding Women in Law Enforcement and National Security (OWLENS) Award para sa taong ito. Ang apat na PAF awardee ay iprinesenta kamakalawa sa Quezon City Sports Complex, kung saan din isasagawa ang pormal na awarding ceremony sa Marso 21.… Continue reading 4 na babaeng opisyal ng PAF, kabilang sa ‘Outstanding Women in Law Enforcement and National Security’

Update sa kalagayan ng 17 Pinoy seafarer na binihag ng Houthi rebels noong 2023, nais malaman ng Kamara

Posibleng magpatawag ng briefing ang House leadership kasama ang Department of Foreign Affairs para humingi ng update kaugnay sa kalagayan ng 17 Filipino seafarers na binihag ng Houthi rebels Nobyembre ng nakaraang taon. Ayon kay House Deputy Majority Leader for Communications Erwin Tulfo, oras na makabalik ng bansa ay maaaring hilingin ni Speaker Martin Romualdez… Continue reading Update sa kalagayan ng 17 Pinoy seafarer na binihag ng Houthi rebels noong 2023, nais malaman ng Kamara

82 solar irrigation projects pantugon sa El Niño, nakumpleto na ng NIA

Iniulat ngayon ng National Irrigation Administration na aabot na sa 82 solar power-driven pump irrigation projects ang nakumpleto ng ahensya nitong 2023. Ayon sa NIA, ang mga proyektong ito ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para mapatatag pa rin ang produksyon ng mga magsasaka sa gitna ng umiiral na… Continue reading 82 solar irrigation projects pantugon sa El Niño, nakumpleto na ng NIA

Cotabato City, 4 na araw nang nagtala ng mataas na heat index

Ilang araw nang nararamdaman ang mataas na temperatura gayundin ang heat index o alinsangan sa katawan sa bahagi ng Cotabato City, Maguindanao. Batay sa heat index monitoring ng PAGASA, pumalo hanggang sa 42°C ang heat index sa Cotabato City kahapon, March 14. Ito rin ang pinakamataas na heat index na naitala sa buong bansa noong… Continue reading Cotabato City, 4 na araw nang nagtala ng mataas na heat index

Women empowerment initiatives ng PH, ibinida ng DBM chief sa 68th UN Commission on the Status of Women

Ibinahagi ni Sec. Amenah Pangandaman sa 68th Annual Commission on the Status of Women ang mga inisyatibo ng gobyerno ng Pilipinas para pababain ang kahirapan sa bansa. Sa kanyang pagdalo para pangunahan ang delegasyon ng Pilipinas sa unang Ministerial Round Table sa United Nations (UN) headquarters sa New York City, ipinagmalaki niya ang mga progresibong… Continue reading Women empowerment initiatives ng PH, ibinida ng DBM chief sa 68th UN Commission on the Status of Women

DOH, may mga naitatala pa ring kaso ng COVID-19

Patuloy na nagpapa-alala sa publiko ang Department of Health (DOH) kaugnay sa patuloy na pagkalat ng COVID-19. Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, may mga naitatala pa rin sila na tinatamaan at nahahawaan ng corona virus. Pero maliit na porsyento lamang daw ito kung ikukumpara sa mga nakaraang buwan. Sa kasalukuyan, ang daily average cases… Continue reading DOH, may mga naitatala pa ring kaso ng COVID-19

Q1 Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, isasagawa sa Marso 25

Hinikayat ng Office of the Civil Defense (OCD) at ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC) ang publiko na makiisa para sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED). Layon nito na maihanda ang sambayanan sa sandaling dumating ang malalakas na lindol partikular na ang pinangangambahang “the Big One”. Kasunod nito, hinimok din… Continue reading Q1 Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, isasagawa sa Marso 25

Mga reporma tungo sa mas malawak na connectivity sa bansa, suportado ng DICT at NEDA

Suportado ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng National Economic Development Authority (NEDA) ang itinutulak ng World Bank na reporma sa broadband competition at infrastructure sa bansa. Sa isinagawang ‘Future of Philippine Connectivity Forum’, ipinunto ni DICT Sec. Ivan John Uy ang mga hakbang ng pamahalaan para maitulak ang isang bayang digital.… Continue reading Mga reporma tungo sa mas malawak na connectivity sa bansa, suportado ng DICT at NEDA

Pagpapalaya sa 97 PDLs, inaprubahan na ng DOJ

Inaprubahan ng Department of Justice ang rekomendasyon ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr. na palayain na ang 97 Persons Deprived of Liberty na nakatapos na ng sentensya na higit sa 40 taon. Ang 47 sa nasabing bilang ay mga nakapiit sa New Bilibid Prisons, 23 mula sa Iwahig Prison and Penal Farm,… Continue reading Pagpapalaya sa 97 PDLs, inaprubahan na ng DOJ