Mga magsasaka sa Oriental Mindoro na tinamaan ng El Niño, inayudahan ng DA

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasakang naapektuhan ng El Niño. Katuwang ang Presidential Communications Office (PCO), kamakailan lang ay pinangunahan ng DA ang pagbisita sa mga sakahan sa Oriental Mindoro at pamamahagi ng tulong sa mga apektadong magsasaka. Pinangunahan ito nina DA Undersecretary for Operations, Roger Navarro, kasama… Continue reading Mga magsasaka sa Oriental Mindoro na tinamaan ng El Niño, inayudahan ng DA

Pahayag ng China hinggil sa “historic rights” nito sa WPS, nakakaliligaw at walang pinagmulan — DFA

“Walang basehan” Ito ang bwelta ng Pilipinas sa naging pahayag ng China na may “historic rights” sila sa West Philippine Sea. Ayon sa pahayag ng DFA, ang Pilipinas ay may matagal nang soberanya at administrative control sa Bajo de Masinloc gayundin sa iba’t ibang isla at katubigan na nasa kanlurang bahagi ng Palawan. Ginawang basehan… Continue reading Pahayag ng China hinggil sa “historic rights” nito sa WPS, nakakaliligaw at walang pinagmulan — DFA

OFW remittances noong Enero, tumaas sa $2.84-B — BSP

Umakyat ang OFW remittance ngayong January 2024 kumpara sa parehas na buwan noong 2023. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang cash remittances na ipinadala sa mga bangko ay tumaas ng 2.7 percent sa $2.84-billion noong Enero 2024 mula sa $2.76-billion noong nakalipas na taon. Sinabi ng BSP ang paglaki ng mga cash remittances… Continue reading OFW remittances noong Enero, tumaas sa $2.84-B — BSP

Kasunduan sa pagsuporta sa PAMANA projects ng OPAPRU, nilagdaan ng mga LGU

Nilagdaan ng mga pinuno ng anim na lalawigan, tatlong siyudad at 39 na munisipalidad ang isang kasunduan kasama ang Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) na magsusulong ng mga Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) Projects sa kani-kanilang nasasakupan. Sa ilalam ng kasunduang nilagdaan ni Presidential Peace Adviser Sec. Carlito Galvez… Continue reading Kasunduan sa pagsuporta sa PAMANA projects ng OPAPRU, nilagdaan ng mga LGU

Tulong na naipamahagi ng Pamahalaan sa mga apektado ng El Niño, umabot na sa mahigit ₱430-M — NDRRMC

Tiniyak ng Pamahalaan ang patuloy na pagpapaabot nito ng tulong sa mga apektado ng matinding tagtuyot sa bansa bunsod ng El Niño. Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Managament Council (NDRRMC), aabot na sa mahigit ₱432-milyong piso na ang naipamahagi ng Pamahalaan. Partikular na rito ang tulong pinansyal, mga hygine kit, at… Continue reading Tulong na naipamahagi ng Pamahalaan sa mga apektado ng El Niño, umabot na sa mahigit ₱430-M — NDRRMC

Driver ng bus na nakabundol sa isang motorsiklo na ikinasawi ng backrider nito, nahaharap sa patong-patong na reklamo

Asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng Ortigas Avenue Extension na sakop ng Brgy. Dolores sa Taytay sa Rizal. Ito’y dahil bukod sa morning rush hour ay nadagdagan pa ito ng nangyaring aksidente kaninang alas-4 ng madaling araw kung saan, isang babaeng backrider ng sinasakyan nitong motorsiklo ang nasawi. Ayon sa… Continue reading Driver ng bus na nakabundol sa isang motorsiklo na ikinasawi ng backrider nito, nahaharap sa patong-patong na reklamo

PBBM, kumpiyansang maisasaayos ang problema ng NAIA sa nilagdaang PPP Project Concession Agreement

Nagpahayag ng malaking kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay San Miguel Corporation President Ramon S. Ang sa gagawin nitong rehabilitasyon sa NAIA sa ilalim ng public-private partnership. Ang pahayag ay ginawa kasunod ng ginanap na pirmahan ng NAIA – PPP Project Concession Agreement na sinaksihan ng Pangulo sa Malacañang. Ayon sa Pangulo, mga… Continue reading PBBM, kumpiyansang maisasaayos ang problema ng NAIA sa nilagdaang PPP Project Concession Agreement

DSWD Sec. Gatchalian at UAE envoy, namahagi ng tulong sa Davao de Oro

Nakatuwang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang United Arab Emirates (UAE) sa pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang tinamaan kamakailan ng mga magkakasunod na landslide at pagbaha sa Davao de Oro. Pinangunahan nina DSWD Rex Gatchalian at UAE Ambassador to the Philippines H.E Mohammed Obaid Alqattam Alzaabi ang pag-turn over ng relief… Continue reading DSWD Sec. Gatchalian at UAE envoy, namahagi ng tulong sa Davao de Oro

“Pinoy Aquaman”, matagumpay na nilangoy ang karagatan ng Capiz

Muling nakapagtala ng panibagong record ang binansagang “Pinoy Aquaman” na si Atty. Ingemar Macarine matapos languyin ang karagatan ng Capiz ngayong linggo, Marso 17. Si Macarine ang unang open water swimmer na nakapaglangoy mula sa isla ng Olotayan patungong mainland sa Roxas City na may distansyang 10.8 kilometros. Nagpaabot naman ng pasasalamat si Roxas City… Continue reading “Pinoy Aquaman”, matagumpay na nilangoy ang karagatan ng Capiz

Mambabatas: Positibong darami ang trabaho sa rural areas kasunod ng pagsasabatas ng Philippine Salt Industry Development Act

Inaasahan na ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee na darami ang trabaho sa mga probinsya at coastal communities kasunod ng pagsasabatas ng Philippine Salt Industry Development Act. Ayon kay Lee, maliban sa libo-libong trabaho na bagong malilikha ng batas, madadagdagan din ang kita ng mga salt farmers. Tinataya aniya na nasa 3,000 hanggang 5,000 na… Continue reading Mambabatas: Positibong darami ang trabaho sa rural areas kasunod ng pagsasabatas ng Philippine Salt Industry Development Act