Muling pag-uusap ng Pilipinas at China sa isyu ng WPS, iminungkahi ng FFCCCII

Umaapela ang mga Filipino-Chinese Businessmen sa gobyerno ng Pilipinas at China na muling magharap at pag-usapan ang isyu ng West Philippine Sea. Ito ay sa gitna ng tumitinding iringan ng Philippine Coast Guard at Chinese Coast Guard sa usapin ng teritoryo. Ayon kay Dr. Cecilio Pedro, President ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce… Continue reading Muling pag-uusap ng Pilipinas at China sa isyu ng WPS, iminungkahi ng FFCCCII

Isyu sa umano’y nawawalang milyong halaga ng coffee seedlings, bineberipika na ng DA

Kinumpirma ng Department of Agriculture na nakarating na kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga report kaugnay ng umano’y nawawalang milyon-milyong halaga ng coffee seedlings. Mula ito sa idinulog ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI). Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, bagamat wala pang iniuutos ang kalihim… Continue reading Isyu sa umano’y nawawalang milyong halaga ng coffee seedlings, bineberipika na ng DA

Pagbusisi sa lahat ng proyekto at kontrata ng gobyerno tiniyak ng DOF

Tiniyak ng Department of Finance (DOF) na dadaan sa matinding pagbusisi ang lahat ng proyekto at kontrata ng gobyerno. Ginawa ni Finance Secretary Ralph Recto ang pahayag kasunod ng  paglagdag ng public-private partnership (PPP) concession agreement ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon kay Recto, sisiguruhin ng kanyang kagawaran na bawat proyektong papasukin ng gobyerno… Continue reading Pagbusisi sa lahat ng proyekto at kontrata ng gobyerno tiniyak ng DOF

Philippine Ports Authority, magpapatupad ng full manpower ngayong Semana Santa

Walang papayagan na mag-day off at mag-leave of absence sa mga tauhan ng Philippine Ports Authority ngayong Semana Santa. Ito ang ipinag-utos ni PPA General Manager Jay Santiago sa lahat ng kawani sa mga pantalan. Ayon kay Santiago, ito ay para maserbisyuhan ang lahat ng mga byahero na dadagsa sa mga pantalan sa long weekend… Continue reading Philippine Ports Authority, magpapatupad ng full manpower ngayong Semana Santa

Mas mabigat na parusa sa mga magulang na tatanggi sa child support, pinagtibay ng Komite sa Kamara

Photo courtesy of House of Representatives FB page

Pasado na sa House Committee on Welfare of Children ang pinag-isang panukalang batas na layong patawan ng parusa ang magulang na hindi magbibigay ng sustento sa kaniyang anak. Ayon sa isa sa pangunahing may akda nito na si ACT CIS Party-list Representative Erwin Tulfo, sa inaprubahang bersyon ng komite, hanggang anim na taong pagkakulong ang… Continue reading Mas mabigat na parusa sa mga magulang na tatanggi sa child support, pinagtibay ng Komite sa Kamara

Ilang bahagi ng Antipolo City, mawawalan ng kuryente sa Huwebes para bigyang-daan ang construction activities ng DPWH

Kapwa nagpaabiso ang Manila Electric Company (MERALCO) gayundin ang Lokal na Pamahalaan ng Antipolo City hinggil sa power interruption sa ilang bahagi ng lungsod sa Huwebes, March 21. Batay sa abiso, isasagawa ang power interruption sa pagitan ng alas-12:01 at alas-12:30 ng umaga sa nasabing petsa at masusundan naman ito sa pagitan ng alas-4:30 hanggang… Continue reading Ilang bahagi ng Antipolo City, mawawalan ng kuryente sa Huwebes para bigyang-daan ang construction activities ng DPWH

Sunog sa Tondo, Maynila, halos 6 na oras nang inaapula

Patuloy na inaaapula ng Bureau of Fire Protection – Manila ang sunog sa isang residential area sa Benita Street sa Barangay 186 Tondo, Manila. Nagsimula ang sunog kaninang ala-1:50 ng madaling araw kung saan inakyat ito ng ikalawang alarma. Halos anim na oras na rin inaapula ang sunog kung saan nadamay ang isang building na… Continue reading Sunog sa Tondo, Maynila, halos 6 na oras nang inaapula

Pagsasabatas ng PH Salt Industry Development Act, ikinalugod ng DA

Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) ang muling pagsigla ng industrya ng asin sa bansa kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Salt Industry Development Act. Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, itinatakda ng batas ang pagbalangkas ng roadmap na nakatutok sa pagpapalago ng salt industry. Mayroon na… Continue reading Pagsasabatas ng PH Salt Industry Development Act, ikinalugod ng DA

Pres. Marcos Jr, nagtalaga ng 5 bagong opisyal sa CHED

Kinumpirma ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng limang bagong opisyal sa komisyon. Kabilang sa mga in-appoint na opisyal sila Dr. Jimmy Catanes, Dr. Lora Yusi, at Dr. Mary Sylvette Gunigundo bilang Directors IV, at Atty. Marco Domingo at Dr. Rody Garcia bilang Directors III ng CHED.… Continue reading Pres. Marcos Jr, nagtalaga ng 5 bagong opisyal sa CHED

AFP Chief Gen. Brawner, personal na nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya ng 4 na sundalong nasawi sa Maguindanao

Personal na nagtungo si Armed Forces of the Phlippines (AFP) Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. sa burol ng apat na sundalong nasawi matapos tambangan ng mga miyembro ng Dawlah Islamiyah – Hassan Group sa Datu Hoffer sa Maguindanao. Dito, ipinaabot ni Brawner ang taos-pusong pakikiramay ng AFP sa naulilang pamilya nila Pvt. Marvin… Continue reading AFP Chief Gen. Brawner, personal na nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya ng 4 na sundalong nasawi sa Maguindanao