Operasyon ng PNR Bicol Line, suspendido sa Semana Santa

Magpapatupad ng tigil-operasyon ang Philippine National Railways (PNR) sa Bicol Line nito simula Huwebes Santo, March 28 hanggang Linggo ng Pagkabuhay, March 31. Ito ay may rutang Naga-Sipocot at pabalik, gayudin sa Naga-Legazpi at pabalik. Ayon sa abiso, ito ay upang bigyang daan ang gagawing maintenance activities sa nasabing linya. Magbabalik naman ang regular na… Continue reading Operasyon ng PNR Bicol Line, suspendido sa Semana Santa

Pagpapauwi sa 63 mga Pilipino mula sa Haiti dahil sa patuloy na gulo roon, isinasaayos pa, ayon sa DMW

Kasalukuyang isinasaayos pa ng Department of Migrant Workers (DMW) ang repatriation sa 63 mga Pilipino sa Haiti nais na umuwi sa Pilipinas. Ito ay dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan doon ng iba’t ibang grupo. Ayon kay Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac, isinasaayos pa ang charter flights para sa nasabing mga Pilipino. Kabilang aniya sa… Continue reading Pagpapauwi sa 63 mga Pilipino mula sa Haiti dahil sa patuloy na gulo roon, isinasaayos pa, ayon sa DMW

Privatization ng NAIA, inaasahang tatapos sa isyu ng pest infestation at ‘tanim-bala’ sa paliparan

Inaasahan ng mga mambabatas na masosolusyunan ng pagsasapribado ng operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isyu sa pest infestation, at tanim-bala. Sa regular na pulong balitaan sa Kamara sinabi ni Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez na maituturing na ‘blessing’ sa bansa ang bagong tagapamahala sa NAIA. Aniya, bilang isa ang Pilipinas sa mga… Continue reading Privatization ng NAIA, inaasahang tatapos sa isyu ng pest infestation at ‘tanim-bala’ sa paliparan

Dalawang illegal recruiters, sumuko sa MPD

Sumuko sa Manila Police District Station 9 sa Malate ang dalawang babaeng illegal recruiters matapos na mapag-alaman ang warrant of arrest laban sa kanila. Kinilala ang mga suspek na sina Kate Roa at Shaena Presco na mahaharap sa kasong large scale at syndicated recruitment na may parusang habang buhay na pagkakabilanggo. Ayon sa Department of… Continue reading Dalawang illegal recruiters, sumuko sa MPD

Panukala para bawiin ang prangkisa ng SMNI, pasado na sa ikatlong pagbasa sa Kamara

Sa botong 284 na pabor, 4 na tutol at 4 na abstention tuluyang pinagtibay ng Kamara ang House Bill 9710 para bawiin ang prangkisa ng Swara Sug Media Corporation, na nag-ooperate sa ilalim ng business name na Sonshine Media Network International (SMNI). Sa anim na pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises sa loob ng… Continue reading Panukala para bawiin ang prangkisa ng SMNI, pasado na sa ikatlong pagbasa sa Kamara

Sen. Bato dela Rosa, handang umasiste sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy

Handa si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sakaling hingiin ng Senate Sargeant at Arms ang kanyang tulong sa pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy. Sinabi ito ng senador kahit pa inamin nitong mabigat sa kanyang kalooban ang naging desisyon ng Senado na maglabas ng arrest order laban sa religious leader. Ayon… Continue reading Sen. Bato dela Rosa, handang umasiste sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy

Usapin ng pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy, dapat nang iakyat sa Korte Suprema ayon kay Sen. Robin Padilla

Aminado si Senador Robin Padilla na ginawa na niya at ng kanyang opisina ang lahat para mapangalagaan ang karapatan ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy. Matatandaang una nang sumubok si Padilla na baliktarin ang contempt order ng Senate Committee on Women laban kay Quiboloy pero kinulang ito ng pirma ng mga senador… Continue reading Usapin ng pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy, dapat nang iakyat sa Korte Suprema ayon kay Sen. Robin Padilla

PCG, iniimbestigahan na kung paano nakapasok ang nasa 30 Chinese national bilang auxiliary force

Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kung paano nakapasok sa auxiliary force ng kanilang hanay ang mga Chinese Nationals na kulang sa clearance. Sa pagdinig ng House Committee on Transportation ukol sa mga panukalang modernisasyon para sa PCG naungkait ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang isyu. Aniya nais… Continue reading PCG, iniimbestigahan na kung paano nakapasok ang nasa 30 Chinese national bilang auxiliary force

Sen. Grace Poe, kinondena ang pagpatay sa asong si Killua

Mariing kinondena ni Senadora Grace Poe ang pamamaslang sa isang golden retriever na asong si Killua. Giit ni Poe, bagama’t nasa korte na ang pagdedesisyeon tungkol sa usapin ay dapat pa ring malaman ng publiko na mayroong batas na nagbabawal at nagpaparusa sa pananakit sa mga hayop. Ito ang Animal Welfare Act of 1998 na… Continue reading Sen. Grace Poe, kinondena ang pagpatay sa asong si Killua

Resolution of Both Houses No. 7 o economic charter change ng Kamara, aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa

Tuluyang pinagtibay ng Kamara ang panukalang amyenda sa ilang probisyong pang-ekonomiya ng 1987 Constitution na nakapaloob sa Resolution of Both Houses No. 7. Umabot sa 288 ang bumoto pabor dito, 8 ang tumutol at may 2 na nag-abstain. Nilalayon ng panukala na amyendahan ang restrictive economic provisions ng Saligang Batas at buksan sa mga foreign… Continue reading Resolution of Both Houses No. 7 o economic charter change ng Kamara, aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa