Ilang bahagi ng Marikina River, halos matuyo bunsod ng El Niño

Natutuyo na ang ilang bahagi ng Marikina River bunsod ng mainit na panahong nararanasan sa mga nakalipas na araw dulot ng El Niño Phenomenon. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, kapansin-pansing nakikita na ang pundasyon ng tulay sa bahagi ng Brgy. Sto. Niño kung saan makikita ang panukat sa lebel ng tubig sa ilog. Ayon kay… Continue reading Ilang bahagi ng Marikina River, halos matuyo bunsod ng El Niño

Presyo ng ilang agri-products sa Pasig City Mega Market, bumaba

Bumaba pa ang presyo ng ilang produktong agrikultural sa Pasig City Mega Market. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nasa P20 hanggang P25 ang ibinaba ng presyo sa kada kilo ng bangus na ngayo’y nasa P150 na lamang Bumaba naman sa P80 ang kada kilo ng pulang sibuyas habang nasa P60 ang kada kilo ng puting… Continue reading Presyo ng ilang agri-products sa Pasig City Mega Market, bumaba

422 miyembro at supporter ng NPA, na-nutralisa sa unang kwarter ng taon

Nasa 422 miyembro at supporter ng New People’s Army (NPA) ang na-nutralisa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa unang kwarter ng taon. Iniulat ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na sa nasabing bilang, 374 ang sumuko, 15 ang naaresto at 33 ang nasawi sa mga serye ng engkwentro. Aabot din sa 221… Continue reading 422 miyembro at supporter ng NPA, na-nutralisa sa unang kwarter ng taon

Pagsasapribado ng Hajj, inaaral na sa Kamara

Isa sa target na mapagtibay ng House Committee of Muslim Affairs ang panukala na isapribado ng Hajj. Ayon kay Lanao del Norte Representative Khalid Dimaporo, kada taon na may bagong Hajj ay may lumilitaw din na panibagong problema hinggil dito. Katunayan sa pagdinig ng Committee on Public Accounts, sinabi umano ng National Commission on Muslim… Continue reading Pagsasapribado ng Hajj, inaaral na sa Kamara

Mga medical cannabis advocates, nagpasalamat sa Senado matapos isalang sa plenary ang panukalang batas sa paggamit ng cannabis bilang sangkap sa paggawa ng gamot

Umusad na sa plenary ng Senado ang panukalang batas tungkol sa isinusulong na gawing ligal ang paggamit ng marijuana bilang sangkap sa paggawa ng gamot. Sa mismong gallery ng Senado ay nagsama-sama kahapon ang mga advocates ng medical cannabis. Kasamang dumalo sa Senado si Dr. Richard Nixon Gomez, kilalang scientist at inventor. Siya din ang… Continue reading Mga medical cannabis advocates, nagpasalamat sa Senado matapos isalang sa plenary ang panukalang batas sa paggamit ng cannabis bilang sangkap sa paggawa ng gamot

Face-to-face classes at pasok sa mga tanggapan ng De La Salle University sa Dasmariñas, Cavite, suspendido ngayong araw

Inanunsyo ng pamunuan ng De La Salle University – Dasmariñas na suspendido ang face-to-face classes, exams at iba pang aktibidad ngayong araw. Batay sa abiso ng nasabing pamantasan, ito’y bunsod ng isang security emergency subalit hindi naman idinetalye kung ano ito. Maging ang mga transaksyon sa mga opisina ng nasabing pamantasan ay suspendido rin ngayong… Continue reading Face-to-face classes at pasok sa mga tanggapan ng De La Salle University sa Dasmariñas, Cavite, suspendido ngayong araw

Pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam, inaasahang magpapatuloy hanggang Abril — PAGASA

Malaki ang tyansa na magpatuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam hanggang sa buwan ng Abril. As of 6am ngayong umaga, umabot na sa 200.70 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Ayon sa PAGASA Hydromet Division, mula noong kalagitnaan ng Enero ay nagtuloy-tuloy na ang pagbaba ng water elevation sa… Continue reading Pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam, inaasahang magpapatuloy hanggang Abril — PAGASA

QC LGU, nagpaabot na ng ayuda sa mga residenteng nasunugan sa Brgy. Damayang Lagi

Namahagi ng tulong ang Quezon City Local Government sa mga pamilyang nabiktima ng sunog kamakailan partikular sa Barangay Damayang Lagi. Pinangunahan mismo ni Mayor Joy Belmonte ang distribusyon ng ayuda sa 212 pamilyang nasunugan. Ang mga house owner ay nakatanggap ng ₱10,000 at sa sharer at renters ay ₱5,000. Una na ring namigay ang lokal… Continue reading QC LGU, nagpaabot na ng ayuda sa mga residenteng nasunugan sa Brgy. Damayang Lagi

Panukalang isaligal ang paggamit ng medical marijuana, naipresenta na sa plenaryo ng Senado

Naipresenta na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na layong gawing ligal ang access sa medical cannabis o marijuana. Sa sponsorship speech ni Senador Robin Padilla para sa Senate Bill 2573 o ang panukalang Cannabis Medicalization Act, tiniyak ng senador na nakabatay sa mga pag-aaral at testimonya ng mga doktor at eksperto ang pagsusulong… Continue reading Panukalang isaligal ang paggamit ng medical marijuana, naipresenta na sa plenaryo ng Senado

Pilipinas, isang hakbang na mas malapit sa pagkakaroon ng mas bukas at matatag na ekonomiya kasunod ng pagpapatibay sa RBH7

Halos abot kamay na ng Pilipinas ang isang mas bukas at matatag na ekonomiya. Ito ang binigyang-diin ni Speaker Martin Romualdez matapos aprubahan ng Kamara ang Resolution of Both Houses No. 7 o panukalang amyenda sa ilang economic provision ng 1987 Constitution. Sa kaniyang talumpati bago magsara ang sesyon, sinabi ng House leader na hindi… Continue reading Pilipinas, isang hakbang na mas malapit sa pagkakaroon ng mas bukas at matatag na ekonomiya kasunod ng pagpapatibay sa RBH7