Mahigit 100,000 mga pasahero dumagsa sa mga pantalan sa buong bansa ngayong Miyerkules Santo, ayon sa PCG

Patuloy na nakaalerto ang Philippine Coast Guard (PCG) ang mga distrito, istasyon, at sub-station nito ngayong panahon ng Semana Santa. Ito ay upang umalalay sa dagsa ng mga pasahero at matiyak ang kaayusan at seguridad sa mga pantalan sa buong bansa. Ayon sa PCG Command Center, pumalo na sa mahigit 60,000 na outbound na mga… Continue reading Mahigit 100,000 mga pasahero dumagsa sa mga pantalan sa buong bansa ngayong Miyerkules Santo, ayon sa PCG

Philippine Red Cross, naka-alerto ngayong Semana Santa

Nakahanda na ang Philippine Red Cross (PRC) na rumesponde sa anumang medical emergency ngayong Semana Santa. Ayon sa PRC, simula March 21 hanggang March 31 magde-deploy ito ng mahigit 2,000 volunteers para mag-operate sa 200 first aid stations, ambulance units, at roving units na naka-puwesto sa mga pantalan, paliparan, pangunahing mga kalsada, bus terminal, at… Continue reading Philippine Red Cross, naka-alerto ngayong Semana Santa

DMW, naglabas ng guidelines para tulungan ang mga kamag-anak ng mga nasawing Saudi OFW claimant na makuha ang kanilang benepisyo

Naglabas ng guidelines ang Department of Migrant Workers (DMW) upang tulungan ang mga widow, heir, at kamag-anak ng mga overseas Filipino worker na nasawi na at may mga benepisyong hindi nakuha sa kanilang mga pinapasukang kompanya sa Saudi Arabia. Ito ay matapos mabangkarote ang mga construction company noong 2015 at 2016. Sa Advisory No. 5… Continue reading DMW, naglabas ng guidelines para tulungan ang mga kamag-anak ng mga nasawing Saudi OFW claimant na makuha ang kanilang benepisyo

LTFRB, bukas na ang 24 hr monitoring sa lahat ng pangunahing terminal sa bansa ngayong Semana Santa

Ipinatutupad na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 24-hour monitoring sa lahat ng pangunahing terminal sa buong bansa. Ito ay para mabantayan ang ligtas na pag- alis at pag-uwi ng mga pasahero sa kanilang mga probinsya para sa Semana Santa. Inobliga ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III ang mga opisyal nito na… Continue reading LTFRB, bukas na ang 24 hr monitoring sa lahat ng pangunahing terminal sa bansa ngayong Semana Santa

Operasyon ng NAIA, pansamantalang suspendido matapos itaas ang Red Lightning Alert

Pansamantalang nakararanas ng pagkaantala sa kanilang biyahe ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong hapon. Ito’y matapos na itaas ng Manila International Airport Authority (MIAA) Ground Operations and Safety Division ang Red Lightning Alert sa NAIA Complex bandang alas-4:50 ng hapon. Kasunod iyan ng nararanasang malakas na buhos ng ulan na sinamahan… Continue reading Operasyon ng NAIA, pansamantalang suspendido matapos itaas ang Red Lightning Alert

House tax Chief, pinuri ang MERALCO sa mas pinadaling proseso para makakuha ng diskwento ang mga senior at PWD

Pinuri ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang utility company na MERALCO dahil sa mga hakbang nito para padaliin ang proseso para makakuha ng diskwento ang senior citizen at persons with disabilities (PWDs) sa kanilang mga bill sa kuryente. “I laud MERALCO ’s effort to make it easier to register as a… Continue reading House tax Chief, pinuri ang MERALCO sa mas pinadaling proseso para makakuha ng diskwento ang mga senior at PWD

Pamahalaan, pinapayuhan ang publiko na alamin ang heat index forecast kada araw, upang mapangalagaan ang kalusugan ngayong tag-init

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na ikonsidera sa plano kada araw ang daily weather at heat index forecast ng kanilang tanggapan. “Bukod sa daily weather natin, pinapayuhan natin iyong mga kababayan natin na i-monitor din ito para maplano po nila ng maayos ang kanilang mga day-to-day activities base sa inaasahang panahon at sa inaasahang nga… Continue reading Pamahalaan, pinapayuhan ang publiko na alamin ang heat index forecast kada araw, upang mapangalagaan ang kalusugan ngayong tag-init

44 na katutubong Ati na na-displace sa Boracay land dispute, pagkakalooban ng lupain ng DAR

Ipinag-utos na ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang pagkakaloob ng lupang sakahan sa 44 katutubong Ati sa Boracay Island. Ang mga Ati, na miyembro ng Boracay Ati Tribal Organization, ay nawalan ng tirahan nang kanselahin ang collective Certificate of Land Ownership Award (CLOA) na inisyu ng nakaraang administrasyon. Sinabi ni DAR Undersecretary for… Continue reading 44 na katutubong Ati na na-displace sa Boracay land dispute, pagkakalooban ng lupain ng DAR

Mga nakatayong istruktura sa Upper Marikina River Basin Watershed, pinaiimbestigahan ni senador JV Ejercito

Ipinapasilip ni Senador JV Ejercito ang mga nagsulputang istruktura sa Upper Marikina River Basin Watershed partikular na sa bandang Sierra Madre. Ayon kay Ejercito, matagal na rin niyang kinakalampag ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay sa mga istruktura sa lugar na natatakpan na ang tunay na ganda ng Sierra Madre. Iginiit ng… Continue reading Mga nakatayong istruktura sa Upper Marikina River Basin Watershed, pinaiimbestigahan ni senador JV Ejercito

Dagdag sahod para sa mga empleyado ng gobyerno, ipinapanukala ni Senador Jinggoy Estrada

Isinusulong ni Senate Committee on Labor Chairman Senador Jinggoy Estrada na mataasan ang sweldo ng mga civilian government employees. Sa pamamagitan ng inihaing Senate Bill 2611 o ang panukalang Salary Standardization VI ni Estrada, nais ng senador na makapagpatupad ng dagdag sahod sa mga kawani ng pamahalaan sa apat na tranches mula taong 2025 hanggang… Continue reading Dagdag sahod para sa mga empleyado ng gobyerno, ipinapanukala ni Senador Jinggoy Estrada