Nakararanas na ng kakapusan sa tubig ang may anim na barangay sa bayan ng Himamaylan, lalawigan ng Negros Occidental.
Ito, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ay bunsod pa rin ng epekto ng El Niño phenomenon.
Kabilang sa mga natukoy ng NDRRMC ay ang mga barangay ng Cabadiangan, Nabalian, Carabalan, Su-ay, To-oy, at Buenavista ang kinakapos na ng tubig inumin at pang-agrikultura mula pa noong Disyembre ng nakalipas na taon.
Maliban sa Negros Occidental, nakararanas din ng limitadong suplay ng tubig ang Zamboanga City.
Gayunman, tinutugunan na ito sa pamamagitan ng “rationing scheme” o pagrarasyon ng mga tubig partikular na sa kanilang central areas.
Nabatid na umabot na sa mahigit ₱1-billion ang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura kung saan Western Visayas ang nanguna sa may pinakamataas na pinsala. | ulat ni Jaymark Dagala