Tuloy-tuloy na ang Scholarship Program Caravan sa Lungsod Quezon na handog ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang barangay.
Sinimulan ang aktibidad noong Marso 9 at ipagpapatuloy hanggang Marso 15.
Sakop ng Caravan ang Barangay Talipapa at Barangay Roxas sa district 4; Barangay Camp Aguinaldo, District 3; Barangay Sta. Lucia, District 5; at ang Barangay Paltok at Nayong Kaunlaran, sa District 1.
Katuwang ng QC LGU sa aktibidad ang District Action Offices at ang Youth Development Office upang magpalaganap ng angkop na impormasyon patungkol sa Scholarship Program. | ulat ni Rey Ferrer