AFP, nanindigang hindi gagamit ng pwersa sa RoRe mission

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi gagamit ng pwersa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga Rotation and Resupply (RoRe) Mission sa Ayungin Shoal.

Ito ang binigyang diin ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad sa isang ambush interview sa Camp Aguinaldo.

Ito’y sa kabila ng huling insidente kung saan binomba ng Chinese Coast Guard ng water cannon ang resupply boat ng Pilipinas, na nagresulta sa pagkawasak ng windshield nito at pagkasugat ng apat na pasahero.

Paliwanag ni Commo. Trinidad, sumusunod ang AFP sa “rules of engagement” na nagtatakda kung kailan dapat gumamit ng pwersa, na isang mekanismo para masiguro na hindi mag-escalate ang sitwasyon.

Hindi aniya pinapahintulutan ng rules of engagement ang paggamit ng pwersa sa RoRe mission dahil hindi ito kailangan para magampanan ang misyon, maliban kung ito ay para ipagtanggol ang sarili, unit, o iba pa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us