Binuksan na ang kauna-unahang ‘Bagong Urgent Care and Ambulatory Service’ o BUCAS center sa bansa.
Ito ay matatagpuan sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital Ambulatory Surgical and Multispecialty Center sa Pampanga.
Pinangunahan mismo ni Health Secretary Teodoro Herbosa at iba pang opisyal ng kagawaran maging mga lokal na pamahalaan ang aktibidad.
Kabilang sa mga serbisyong iaalok sa BUCAS center ay general surgery, at may laboratoryo din ito. | ulat ni Michael Rogas
📷: DOH