Sumadsad pa sa mababang lebel ang antas ng tubig sa Angat Dam ngayong umaga.
Batay sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division, hanggang alas sais ng umaga kanina bumaba na sa 201.70 meters ang water elevation ng dam.
May kabawasan ng -10.30 meters mula sa 212 meters normal high water level o mayroong pagitan na 12.70 meters sa 180 meters minimum operating level.
Samantala, nasa 99.56 meters ang water level sa Ipo Dam, habang nasa 75.85 meters naman ang La Mesa Dam mas mababa na rin sa 80.15 meters normal high water level.
Bukod sa mga nabanggit na dam, nakitaan na rin ng pagbaba ang water level ng anim pang dam sa Luzon at asahang bababa pa dahil sa kawalan ng mga pag-ulan.| ulat ni Rey Ferrer