Patuloy pa ring natatapyasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam dahil sa kakulangan ng ulan sa watershed.
Batay sa update ng PAGASA Hydrometeorology Division, kaninang alas-sais ng umaga ay bumaba pa sa 200.99 meters ang lebel ng tubig sa dam, halos dalawang metro ang agwat mula sa 202.47 meters water elevation ng dam noong nakaraang linggo.
Gayunman malayo-layo pa naman ito sa minimum operating level ng dam na 180 meters.
Bukod sa Angat Dam, nabawasan rin ang lebel ng tubig sa ilan pang binabantayang dam kabilang ang Ipo, La Mesa Dam, Binga Dam, San Roque, Pantabangan, at Caliraya Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa