Isasara pansamantala sa mga motorista ang NLEX España Connector Exit Ramp sa Maynila.
Sa abiso ng North Luzon Expressway Corporation, isasara ang NLEX Connector simula alas-10 ng gabi ng Marso 21 hanggang ala-una ng madaling araw ng Marso 22.
Ito ay para bigyang daan ang overhead signage installation sa bahagi ng Connector España Section.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na papuntang España Boulevard na iwasan muna ang apektadong lugar at maaaring gamitin muna ang Magsaysay Exit Ramp.
Para maiwasan ang pagkalito ng mga motorista at bigat ng daloy ng trapiko, magtatalaga ng patrol crews / marshals at directional signs sa mga strategic area ang NLEX Corporation. | ulat ni Rey Ferrer