Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 9 ang isang suspendidong barangay chairperson sa Brgy. Sto Niño, Tungawan, Zamboanga Sibugay, dahil sa illegal possession of firearms and explosives.
Kinilala ni CIDG Director Police Major General Romeo Caramat Jr. ang suspek na si alyas “Luis”, na inaresto matapos na magpatupad ang mga operatiba ng search warrant nitong Miyerkules laban sa kanya.
Narekober sa kanyang posesyon ang isang 9mm Armscor pistol, isang SpringField Cal 7.62 Garand rifle, isang INTRATEC KG-9 Cal. 45, isang Cal. 38 revolver, Fragmentation Grenade, at samu’t saring bala.
Ayon kay MGen. Caramat, ang suspek ay ilang beses nang nireklamo dahil sa umano’y gun-toting at pagmamayabang na pagpapakita ng kanyang mga baril sa publiko.
Una nang nasuspindi ng 60 araw sa kanyang posisyon bilang barangay chairm ang suspek noong Enero 26 dahil sa “abuse of authority”.
Sinabi ni MGen. Caramat na ang pagkakahuli sa suspek ay patunay na walang kinikilingan ang CIDG sa pagpapatupad ng batas, may posisyon man sa lipunan o wala. | ulat ni Leo Sarne
📸: CIDG