Muling nagsagawa ng dangerous maneuver ang China Coast Guard sa barko ng Pilipinas na papuntang Ayungin Shoal ngayong umaga.
Sa ulat mula sa kampo Aguinaldo, naglalayag ang Philippine Supply Vessel na Unaizah May 4 para sa rotational at resupply mission sa mga sundalo ng bansa sa BRP Sierra Madre.
Alas-sais otso ngayong umaga ng magsagawa ng dangerous maneuver ang China Coast Guard vessel BN 21551 sa Barko ng Pilipinas.
Wala pa namang inilalabas na ibang detalye ang AFP hinggil sa nagpapatuloy na resupply mission sa West Philippine Sea (WPS).| ulat ni Rey Ferrer