PBBM, nagpahatid ng pakikidalamhati sa mga pamilya ng naging biktima ng ginawang pag-atake ng ISIS sa isang concert hall sa Moscow

Nagpaabot ng kanyang pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga pamilyang naiwan ng malagim na pag-atake ng ISIS group sa isang concert hall sa Moscow, Russia. Sa mensahe ng Pangulo sa kanyang X account, sinabi ng Pangulo na labis niyang ikinalulungkot ang pangyayari na bunga ng aniya’y walang saysay na gawa ng terorismo.… Continue reading PBBM, nagpahatid ng pakikidalamhati sa mga pamilya ng naging biktima ng ginawang pag-atake ng ISIS sa isang concert hall sa Moscow

Presyo ng palaspas, tumaas ngayong Semana Santa

Tumaas na ang presyo ng palaspas isang araw bago ang Palm Sunday o Linggo ng Palaspas bukas. Ngayon pa lang, puspusan na ang pamilya Morales sa paggawa ng palaspas sa gilid ng Sacred Heart Parish sa Kamuning, Quezon City. Ayon kay Lorena Morales, mahigit 20 taon nang gumagawa ng palaspas ang kanilang pamilya  tuwing sasapit… Continue reading Presyo ng palaspas, tumaas ngayong Semana Santa

QCPD, nakahanda na para sa Semana Santa at Summer Vacation Season

Simula bukas, Marso 24 hanggang Mayo 31, 2024, magdedeploy na ng police personnel ang Quezon City Police District (QCPD) para sa mapayapa at maayos na Semana Santa at panahon ng summer vacation. Sa panahong ito, inaasahan na ng QCPD ang pagdagsa ng mga manlalakbay at turista at ang pagtaas ng mga aktibidad. Tiniyak ni QCPD… Continue reading QCPD, nakahanda na para sa Semana Santa at Summer Vacation Season

Mga pauwi ng probinsya para sa Holy Week, patuloy sa pagdagsa sa PITX ngayong araw

Patuloy ang pagdating ng ating mga kababayan na nais makauwi ng kani-kanilang mga probinsya para sa Holy Week dito sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong araw. Ayon kay PITX corporate affairs officer Kolyn Calbasa, as of 2pm ngayong araw, naitala nito ang foot traffic sa 59,102 sa terminal. Mas mataas umano ito kumpara sa… Continue reading Mga pauwi ng probinsya para sa Holy Week, patuloy sa pagdagsa sa PITX ngayong araw

LTO VII isasailalim sa hightened alert ngayong Semana Santa

Simula bukas, Marso 24, isasailailm sa hightened alert status ang buong Land Transportation Office sa Central Visayas hanggang sa Marso 31 kasabay ng pagpapatupad ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa and Summer Vacation 2024. Ayon kay LTO Region VII Director Glen Galario, simula bukas ay magdedeploy sila ng mga tauhan sa mga bus terminal para… Continue reading LTO VII isasailalim sa hightened alert ngayong Semana Santa

Suplay boat ng Pilipinas, matagumpay na nakarating sa BRP Sierra Madre sa kabila ng pambobomba ng water cannon ng China Coast Guard

Sa kabila ng panghaharang at panghaharass ng Chinese Coast Guard sa supply boat ng Pilipinas na Unaizah May 4 sa Ayungin shoal, matagumpay na narating nito ang BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea Sa ulat ng Armed Forces of the Philippines ,anim na miyembro ng Philippine Navy at mga mahahalagang kargamento ang nailipat mula… Continue reading Suplay boat ng Pilipinas, matagumpay na nakarating sa BRP Sierra Madre sa kabila ng pambobomba ng water cannon ng China Coast Guard

Trial shipment ng mga mangga ng Guimaras sa Europa, naging matagumpay

Naging matagumpay ang trial shipment ng mga mangga ng Guimaras sa Europa ngayong taon. Sa tulong ng Genco Field Fruits and Vegetables, naisakatuparan ang pagbiyahe ng 414 na kilo ng mangga na produkto ng Guimaras Mango Producers Growers Development Cooperative (GMGPDC). Ayon sa Department of Agriculture Western Visayas (DA WV), ang trial shipment ay mahalagang… Continue reading Trial shipment ng mga mangga ng Guimaras sa Europa, naging matagumpay

Finance Secretary Recto, pinuri ang pagkalagda sa IRR ng PPP Code; mas maraming investments asahan

Binigyang papuri ni Department of Finance Secretary Ralph Recto ang pagkakalagda ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Public-Private Partnership (PPP) Code na sinasabing magbubukas ng maraming investments na lubhang pakikinabangan ng mga Pilipino. Ayon kay Sec. Recto, sa paglabas ng IRR ng PPP Code, bubuksan nito ang floodgates para sa tuloy-tuloy na pasok… Continue reading Finance Secretary Recto, pinuri ang pagkalagda sa IRR ng PPP Code; mas maraming investments asahan

Mga magsasaka, mag-aaral at maliliit na negosyo ng Agusan del Norte, naabutan ng financial aid ng pamahalaan

Sabayang inilunsad sa Agusan del Norte ang ilang programa ng pamahalaan na magbibigay tulong sa mga magsasaka, mag-aaral at mga maliliit na negosyo. Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang paglulunsad ng Farmers Assistance for Recovery and Modernization (FARM), Integrated Scholarships and Incentives Program (ISIP) for the Youth; at Start-up, Investment, Business Opportunity and Livelihood (SIBOL).… Continue reading Mga magsasaka, mag-aaral at maliliit na negosyo ng Agusan del Norte, naabutan ng financial aid ng pamahalaan

House panel chair, pinuri ang DTI, DA at DOE sa pag-apruba ng mas mataas na diskwento para senior citizens

Pinapurihan ni House Committee on Senior Citizens at Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes ang mga ahensya ng pamahalaan sa pagtugon nito sa kanilang hiling na taasan ang diskwento ng mga senior citizen. Kasunod itong paglagda ng Department of Trade and Industry, Department of Agriculture, at Department of Energy sa bagong Joint Administrative Order kung… Continue reading House panel chair, pinuri ang DTI, DA at DOE sa pag-apruba ng mas mataas na diskwento para senior citizens