House panel chair, pinuri ang DTI, DA at DOE sa pag-apruba ng mas mataas na diskwento para senior citizens

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ni House Committee on Senior Citizens at Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes ang mga ahensya ng pamahalaan sa pagtugon nito sa kanilang hiling na taasan ang diskwento ng mga senior citizen.

Kasunod itong paglagda ng Department of Trade and Industry, Department of Agriculture, at Department of Energy sa bagong Joint Administrative Order kung saan itataas na sa P125 kada linggo ang special discount ng seniors at PWDs sa pagbili ng basic goods epektibo sa March 25.

Aniya ang P125 kada linggo o P500 kada buwang diskwento ay malaking bagay na para sa mga senior at PWD dahil makakabili na ito ng hanggang sampung kilo ng bigas o kaya naman ay generic maintenance medicine nila na sasapat ng hanggang 2 buwan.

Ani Ordanes ang dagdag diskwento na ito ay isa lamang sa mga hakbang ng pamahalaan upang tulungan ang mga lolo at lola at mga may kapansanan.| ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us