Trial shipment ng mga mangga ng Guimaras sa Europa, naging matagumpay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging matagumpay ang trial shipment ng mga mangga ng Guimaras sa Europa ngayong taon.

Sa tulong ng Genco Field Fruits and Vegetables, naisakatuparan ang pagbiyahe ng 414 na kilo ng mangga na produkto ng Guimaras Mango Producers Growers Development Cooperative (GMGPDC).

Ayon sa Department of Agriculture Western Visayas (DA WV), ang trial shipment ay mahalagang hakbang para matukoy ng kooperatiba ang anumanng isyu sa quality control at logistics bago gawin ang regular na pagpapadala ng mangga sa hinaharap.

Dagdag pa ng DA WV, ang matagumpay na pagdating ng Guimaras mangoes sa European market ay nagpapakita rin ng patuloy na pagtaas ng popularidad nito sa buong mundo.

Umaasa ang DA WV na sa lalong pagbuti ng kalidad at lasa ng mga mangga ng Guimaras, lalong tataas din ang demand at lalo pang dadami ang magbubukas na bagong oportunidad para rito.| ulat ni JP Huervas| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us