DILG, ginunita ang anibersaryo ng BIDA program ngayong araw sa Pasay City

Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. ang paggunita sa anibersaryo ng programang ‘Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan’ (BIDA) sa pamamagitan ng isang ‘BIDA Walk’ na nagtapos sa isang programa sa SM Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City ngayong araw. Kasama ni Sec. Abalos ang mga… Continue reading DILG, ginunita ang anibersaryo ng BIDA program ngayong araw sa Pasay City

3K taga Agusan del Norte, nakabenepisyo sa Cash at Rice distribution Program

Tatlong libong residente ng Agusan del Norte ang nakabenepisyo sa pagdating ng Cash and Rice Distribution Program (CARD) sa lalawigan kasabay ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair. Ang bawat benepisyaryo na pawang kabilang sa vulnerable sector gaya ng senior citizen, solo parent at indigenous people ay nakatanggap ng P3,000 mula sa AICS ng DSWD. Ang P1,000… Continue reading 3K taga Agusan del Norte, nakabenepisyo sa Cash at Rice distribution Program

Isang bahagi ng La Mesa Pumping Station, sasailalim sa maintenance activity, ilang lungsod, maapektuhan ang suplay ng tubig – MAYNILAD

Magpapatupad ng daily water service interruption ang Maynilad Water Services sa ilang barangay ng apat na lungsod sa Metro Manila. Sa abiso ng Maynilad, pasisimulan ang water interruption simula Marso 27 ng gabi hanggang madaling araw ng Marso 30, 2024. Paliwanag nito, may isasagawang maintenance activity sa North B La Mesa Pumping Station sa Quezon… Continue reading Isang bahagi ng La Mesa Pumping Station, sasailalim sa maintenance activity, ilang lungsod, maapektuhan ang suplay ng tubig – MAYNILAD

Lungsod ng Maynila, inaanyayahan ang publiko na makiisa sa Earth Hour mamayang gabi

Binibigyang paanyaya ng Lungsod ng Maynila ang publiko partikular na ang mga Manileño sa pangunguna ni Manila Mayor Honey Lacuna at ng conservation group ng World Wide Fund (WWF-Philippines) na makiisa sa gaganaping Switch Off mamayang gabi bilang pakikiisa sa Earth Hour 2024. Isasagawa ang nasabing Switch Off event sa Kartilya ng Katipunan kung saan… Continue reading Lungsod ng Maynila, inaanyayahan ang publiko na makiisa sa Earth Hour mamayang gabi

Halos P1.5-M halaga ng hinihinalang marijuana, nasabat ng awtoridad sa Pangasinan

Matagumpay na isinagawa ng pinasama-samang pwersa ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region IV-A, PDEA Pangasinan, Aguilar Municipal Police Station, at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang isang buy-bust operation sa Brgy. Poblacion, Aguilar, Pangasinan kahapon—ika-22, Marso 2024. Ang isinagawang buy-bust operation ay nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang magkapatid na… Continue reading Halos P1.5-M halaga ng hinihinalang marijuana, nasabat ng awtoridad sa Pangasinan

Barko ng Pilipinas na papuntang Ayungin Shoal para sa resupply mission, hinarang ng China Coast Guard

Muling nagsagawa ng dangerous maneuver ang China Coast Guard sa barko ng Pilipinas na papuntang Ayungin Shoal ngayong umaga. Sa ulat mula sa kampo Aguinaldo, naglalayag ang Philippine Supply Vessel na Unaizah May 4 para sa rotational at resupply mission sa mga sundalo ng bansa sa BRP Sierra Madre. Alas-sais otso ngayong umaga ng magsagawa ng… Continue reading Barko ng Pilipinas na papuntang Ayungin Shoal para sa resupply mission, hinarang ng China Coast Guard

Dalawang puganteng dayuhan, magkahiwalay na naaresto ng mga awtoridad sa Maynila at Pampanga

Nahaharap ngayon sa deportation ang dalawang puganteng dayuhan matapos na maaresto ng mga awtoridad kasama ang mga kawani mula Bureau of Immigration (BI) sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila at Pampanga. Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, kinilala ang unang dayuhan na si Lee Yeonghak, na naaresto sa Ermita sa Maynila, 44-taong gulang, mula sa… Continue reading Dalawang puganteng dayuhan, magkahiwalay na naaresto ng mga awtoridad sa Maynila at Pampanga

Mga provincial buses na dumadaan sa EDSA, papayagan ng MMDA ngayong Holy Week

Papayagan pansamantala ng ng Metropolitan Manila Development Authprity (MMDA) ang mga provincial bus na dumaan sa EDSA mula ngayong araw, Marso 23 hanggang Abril 2. Inaasahan kasi ng MMDA ang pagdagsa ng mga biyahero ngayong nalalapit na Semana Santa. Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, makakadaan sa kahabaan ng EDSA ang provincial buses… Continue reading Mga provincial buses na dumadaan sa EDSA, papayagan ng MMDA ngayong Holy Week

Lambanog, kinilala bilang Top 2 ‘Spirit in the World’ ng isang international food and travel website

Tinalo ng ‘lambanog’ ng Pilipinas ang mga sikat na inumin mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo matapos nitong masungkit ang ikalawang pwesto sa listahan ng ‘Best Spirits in the World’ ng international food and travel website na TasteAtlas. Ayon sa inilabas na ranking ng TasteAtlas, tinalo ng lambanog ang ilang mga kilalang inumin mula… Continue reading Lambanog, kinilala bilang Top 2 ‘Spirit in the World’ ng isang international food and travel website

Premature campaigning, ipinagbabawal ng COMELEC sa 2025; mga celebrities, hindi exempted

Muling nagbigay ng paalala ang Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa pagbabawal ng premature campaigning para sa darating na May 2025 midterm elections, at hindi exempted dito ang mga artista. Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, na kapag ang isang indibidwal ay nakapag-file na ng kayang Certificate of Candidacy (COC) ngayong Oktubre, magiging saklaw… Continue reading Premature campaigning, ipinagbabawal ng COMELEC sa 2025; mga celebrities, hindi exempted