Nagkasagian ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Chinese Coast Guard (CCG) sa bisinidad ng Ayungin Shoal kaninang umaga dahil sa mapanganib na pag-maneobra ng barko ng China.
Ayon kay Phil. Navy Spokesperson for the West Phil. Sea Commodore Roy Vincent Trinidad nangyari ang insidente habang nagsasagawa ng Rotation and Resupply (RoRe) Mission patungo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.
Bukod dito, sinabi ni Trinidad na binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang isa sa dalawang resupply boat na kinontra ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maghatid ng supply sa BRP Sierra Madre.
Kasalukuyan pa aniyang hinihintay ang ulat kung nagtamo ng pinsala ang supply vessel na Unaizah May 4 dahil sa insidente.
Samantala, inulat ni Trinidad na nakarating na ang isa pang supply boat ang Unaizah May 1 sa BRP Sierra Madre sa kabila ng pang-haharass ng CCG.
Tiniyak ni Trinidad na tuloy tuloy lang ang pagsasagawa ng AFP ng mga RoRe mission sa siyam na detachment ng Pilipinas sa West Phil. Sea, kabilang ang BRP Sierra Madre, sa kabila ng mapanganib na pagkilos ng CCG sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa. | ulat ni Leo Sarne
Courtesy of PCG