Mura pa rin ang bentahan ng lokal na sibuyas sa ADC Kadiwa Store sa gilid ng tanggapan ng Department of Agriculture sa Elliptical Road, Quezon City.
Nagkakahalaga lang ng ₱50 ang kada kilo ng puting sibuyas habang ₱70 naman ang kada kilo ng pulang sibuyas.
Ang mga sibuyas na ito ay mula sa ani ng mga magsasaka sa Nueva Ecija.
Kaugnay nito, bumaba naman ang presyo ng kamatis na nasa ₱60 ang kada kilo maging ang siling labuyo na nasa ₱100 ang kada kilo.
Samantala, bahagya namang paggalaw sa presyo ng ilang lowland vegetables sa Kadiwa store kabilang ang okra na umakyat sa ₱100 ang kada kilo at ang siling panigang na nasa ₱100 ang kada kilo.
Stable naman ang presyo ng highland vegetables gaya ng broccoli na ₱120 ang bentahan kada kilo, cauliflower na ₱80 kada kilo, sayote na ₱25 kada kilo at pechay baguio na ₱45 ang kada kilo.
Bukod sa ADC Kadiwa store, mayroon ding bukas na Kadiwa ngayong Martes sa Mandaluyong, Parañaque, Caloocan, at Valenzuela City. | ulat ni Merry Ann Bastasa