Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) at ng Commission on Filipinos Overseas (CFO) ang paglulunsad ng kanilang joint system para sa mga port of entry and exit dito sa bansa.
Layunin ng nasabing sistema na ito na mapabilis ang mga proseso at mas maging episyente ang pag-verify ng mga CFO certificate ng mga immigration officer ng BI.
Binigyang-diin ni BI Commissioner Norman Tansingco ang kahalagahan ng interoperability bilang mahalagang bahagi ng modern governance para sa paglaban sa ilegal recruitment, human trafficking, at irregular migration.
Kung saan sa isang kaugnay na insidente, isang babaeng biktima ang napigilan sa Clark International Airport Terminal 2 para sa pagpapakita ng isang pekeng CFO certificate na inalok daw sa kanya sa pamamagitan ng Facebook sa halagang P8,500.
Nai-refer na sa inter-agency council against trafficking (IACAT) ang biktima para sa filing ng kaso laban sa pinagmulan ng nasabing pekeng dokumento.| ulat ni EJ Lazaro