Umabot na sa 2,078 katao ang kinalinga at nabigyan ng pansamantalang matutuluyan ng Pag-Abot program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group Irene Dumlao, mula Abril 24, 2023, kabuuang 1,276 pamilya at 802 unattached individuals, kabilang ang kabataan at senior citizens ang natulungan ng Pag-Abot Program.
Una nang nagpalabas ng Executive Order No. 52 ang Palasyo ng Malacañang, nitong Enero na naglalayong palawakin at gawing institutional ang Oplan Pag-Abot ng ahensya.
Sa pamamagitan ng Pag-Abot Program, ang mga reached-out individuals na ginagawang tirahan ang kalsada ay binibigyan ng iba’t ibang interventions.
Kabilang na dito ang pagpapagamot, pagbibigay ng pagkain, transportation assistance, at maging ng livelihood opportunities, transitory family support packages, emergency financial at transitory shelter assistance.| ulat ni Rey Ferrer