Ipinagmalaki ng Bureau of Corrections na nakalikom sila ng kalahating milyong piso mula sa idinaos na 1st BuCor Cup shoot.
Kasabay nito’y sinabi ni Director General Gregorio Catapang na ang nalikom na pera ay gagamitin sa feeding program ng mahigit 100 ‘wasted and severely wasted students’ ng Itaas Elementary School sa Muntinlupa City.
Kaugnay nito ay inatasan na ni Catapang ang head executive assistant na si Supt. Maria Fe Marquez na makipag-ugnayan sa school principal na si Ms. Rhodora Mandap para masimulan agad ang feeding program.
Nabatid na higit sa 100 estudyante sa naturang paaralan ang kulang sa timbang at malnourished na ikinokonsiderang mga ‘wasted and severely wasted’.
Samantala, makakatuwang ng BuCor sa feeding program ang mga volunteer doctors at dietitians na magmo-monitor ng progreso ng mga estudyante hanggang sa sila ay maka-recover sa kasalukuyan nilang health situation. | ulat ni Lorenz Tanjoco