Epektibo na ngayong araw, March 15 ang contempt at arrest order laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy ayon kay Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel, vice-chair ng House Committee on Legislative Franchise.
Ito’y matapos walang natanggap na kominikasyon o paramdan ang House Committee on Legislative Franchises mula kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Quiboloy.
Matatandaan na March 12 nang ipa contempt ni Pimentel si Quiboloy sahil sa makailang beses na pagbalewala sa imbitasyon ng komite sa pagdinig nito sa umano’y paglabag sa prangkisa ng Sonshine Media Network International (SMNI), ang television network na kaniyang itinatag.
“As expected, no feedback [from Topacio]. I knew from the very beginning it was just delaying tactic,” sabi ni Pimentel
Pinagpaliban ang implimentasyon ng contempt at arrest order hanggang ngayong Biyernes kasunod ng hiling ni Atty. Topacio, na sinabing makikipag kita sa kaniyang kliyente noong Miyerkules.
Kinumpirma naman ni House Sec. General Reginald Velasco maaaring ihain sa Lunes o Martes sa susunod na linggo ang contempt at arrest order.