Cotabato City, 4 na araw nang nagtala ng mataas na heat index

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilang araw nang nararamdaman ang mataas na temperatura gayundin ang heat index o alinsangan sa katawan sa bahagi ng Cotabato City, Maguindanao.

Batay sa heat index monitoring ng PAGASA, pumalo hanggang sa 42°C ang heat index sa Cotabato City kahapon, March 14.

Ito rin ang pinakamataas na heat index na naitala sa buong bansa noong March 10, 12, at 13.

Samantala, ngayong araw posible namang bumaba sa 40°C ang alinsangan sa Cotabato.

Habang nasa 36°C ang tantyang heat index sa Science Garden, Quezon City sa Metro Manila. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us