DA at KAMICO, sisimulan na ang proyekto para sa farm mechanization

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itatatag na sa bansa ng Department of Agriculture (DA) at Korea Agricultural Machinery Industry Cooperative (KAMICO) ang Agri-Machinery Assembly Center.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., ito ay isang proyekto na naglalayong pataasin ang lokal na produksyon ng pagkain at potensyal na lumikha ng isang industriya na magluluwas ng mga farm equipment.

Ang nasabing proyekto na may initial investment value na US$30 million ay binubuo ng tatlong yugto, na layong magtatag ng manufacturing plant na makagawa ng Korean agricultural machinery sa Pilipinas.

Sa unang yugto ng proyekto, iimbitahan ng KAMICO ang mga kumpanya na gumawa ng rice farming machinery at magtatag ng mga bahagi ng supply system.

Sa ikalawang yugto naman, ay manghihikayat na ng karagdagang kumpanya ang KAMICO. Titiyakin ang  technical cooperation sa mga kumpanya sa Pilipinas na nauugnay sa Official Development Assistance – Technology Advice and Solutions from Korea (ODA-TASK).

Sa huling yugto ay magsasagawa na ng technology transfer at cooperative production ang KAMICO sa mga lokal na kumpanya, at magsasagawa ng domestic supply at export promotion.

Nauna nang binisita ng KAMICO noong Marso 7 ang sites sa Cabanatuan, Nueva Ecija at Tiaong, Quezon; at sinuri ang mga tuntunin at kondisyon na inaalok ng local government units. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us