Itinalaga ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. si dating Assistant Administrator for Finance and Administration Piolito Santos bilang officer-in-charge ng National Food Authority (NFA).
Ito ay sa katatapos na pulong ng NFA council ngayong araw.
Sa isang panayam, sinabi ni Santos na ito ay epektibo simula ngayong araw.
Humiling naman si Santos na mabigyan siya ng kapangyarihan upang mas mapadali ang operasyon ng NFA lalo pa aniya at mayroong 139 na empleyado ng ahensya ang nasuspinde na umano’y sangkot sa ‘bigas scam.’
Kaugnay nito ay hihintayin aniya ng NFA ang magiging resulta ng imbestisgasyon ng Ombudsman at DA kaugnay sa umano’y anomalya sa bentahan ng NFA rice.
Samantala, target naman ng NFA na magkaroon ng 300,000 MT hanggang 475,000 MT ng palay para sa buffer stock ngayong taon na may pondong P17 bilyon.| ulat ni Diane Lear