Naghahanda ang Civil Aviation Authority of the Philippines para sa buhos ng mga pasahero ngayong paparating na Mahal na Araw.
Ayon sa pamunuan ng CAAP, nakaantabay na lang ang kanilang 44 na airport para ipatupad ang ‘Oplan Biyaheng Ayos: Holy Week 2024’ sa oras na i-activate ito ng Department of Transportation.
Kaugnay nito ay nagsagawa na ang iba’t ibang paliparan sa bansa ng bomb simulations bilang paghahanda sa dagsa ng mga pasahero na posibleng pagmulan ng ‘bomb jokes’.
Inatasan din ng CAAP ang lahat ng airport managers nito na magsumite ng airport operations and communication plans para masiguro ang kaligtasan, maasahan at maayos na sistema sa lahat ng CAAP airports sa Mahal na Araw. | ulat ni Lorenz Tanjoco