Nahaharap ngayon sa deportation ang dalawang puganteng dayuhan matapos na maaresto ng mga awtoridad kasama ang mga kawani mula Bureau of Immigration (BI) sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila at Pampanga.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, kinilala ang unang dayuhan na si Lee Yeonghak, na naaresto sa Ermita sa Maynila, 44-taong gulang, mula sa bansang South Korea kung saan kinahaharap nito ang mga kasong may kaugnay sa illegal online gaming operations sa kanyang bansa.
May nakabinbin na ring arrest warrant para kay Lee sa South Korea dahil sa nasabing operasyon ng illegal online gambling na kumikita umano ng aabot sa halos $67 million.
Habang ang ikalawang dayuhan naman ay kinilalang si Stay Ray Hudgins, 63-taong gulang, isang American Citizen.
Naaresto naman si Hudgins sa Mabalacat, Pampanga, kung saan kinahaharap naman nito ang isang arrest warrant sa South Carolina, USA dahil sa hindi pagbibigay sustento bilang child support.
Naka-detain na ngayon sa BI wared facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig ang nasabing dalawang dayuhan habang hinihintay ng mga ito ang kanilang mga deportation proceeding.| ulat ni EJ Lazaro