Ipinagmalaki ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isa na ngayong board top notcher ang dating benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na si Angeline.
Mula sa Imus, Cavite si Angeline na dating monitored child ng DSWD-4Ps, at ngayo’y 2nd top spot sa katatapos na February 2024 Criminologist Licensure Examination (CLE).
Nagtapos si Angeline ng kanyang Bachelor of Science in Criminology sa Cavite State University.
Ayon naman kay DSWD Spox Asec. Romel Lopez, ang tagumpay na nakamit ng mga batang ito ay patunay na ang 4Ps, lalo na ang aspeto ng programa na investment sa edukasyon ay nakatutulong sa ating mahihirap na kababayan upang mapataas ang antas ng kanilang pamumuhay.
“We are proud of Angeline and we congratulate her for this achievement. She is the latest addition to the list of former 4Ps monitored children who have topped various board examinations,” DSWD Asst. Secretary for Strategic Communications Romel Lopez.
Sa kasalukuyan, mayroon nang naitalang 41 topnotchers ang DSWD mula sa mga dating benepisyaryo ng anti-poverty flagship program.
Mula rin noong 2016, mayroon nang 32,000 na dating benepisyaryo ang nagtapos sa kolehiyo kung saan 82 ang Magna Cum Laude, 1,135 Cum Laude, at 132 ang may Special Distinctions. | ulat ni Merry Ann Bastasa