Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na naglabas na ito ng temporary closure order noong nakalipas na taon sa nag viral na resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol .
Nauna nang pinuna ng mga netizens ang viral video ng swimming pool sa bisinidad ng itinuturing na iconic na tourist sites ng Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ng DENR na nag isyu na ito ng notice of violation noong Enero laban sa may-ari ng Captain’s Peak Resort.
Ito’y dahil sa pag-operate nang walang kaukulang environmental compliance certificate (ECC).
Nitong Marso 13, 2024, iniutos ni Regional Executive Director Paquito Melicor kay PENRO Bohol Ariel Rica na bumuo ng para mag-inspection sa compliance ng Captain’s Peak sa Temporary Closure Order.
Ang Chocolate Hills ay idineklarang National Geological Monument and Protected Landscape sa bisa ng Proclamation No. 1037 na inisyu noon ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Ibig sabihin, anumang land development sa protected area ay mangangailangan ng Environmental Impact Statement bago mabigyan ng ECC.| ulat ni Rey Ferrer