Naglabas ng pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa lumabas sa ilang pahayagan na ilang maritime related proposal ng China sa Pilipinas.
Sa isang statement sinabi ng DFA, sa naging report ng Manila Times sa naturang issue na ito ay isang confidential na pag-uusap, bagay na ikinagulat ng DFA na lumabas ito sa publiko.
Base sa ulat na lumabas sa naturang pahayagan, nasa 11 proposals ang inilatag ng China sa Pilipinas hinggil sa fishing rights sa Scarborough Shoal ng bansa.
Sa huli, muling iginiit ng DFA na kanilang pag-aaralang mabuti ang naturang proposals ng China at isusulong nila ang karapatan at soberanya ng Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio