Patuloy ang ginagawang hakbang ng Department of Foreign Affairs (DFA) para mapabilis ang retrieval operations sa labi ng dalawang Pilipinong namatay sa missle attack ng Houthi rebels sa sa isang barko sa Gulf of Aden.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, sa ngayon ay nasa MV True Confidence pa ang labi ng dalawang Pinoy seafarers at inaasahang kukunin ang mga ito kapag nasa Port of Oman na.
Kaugnay nito, dalawang Pilipino pa ang nasa hospital at kasalukuyang nagpapagaling pa.
Muli namang tiniyak ng DFA, na on top of the situation sila sa pag-retrieve ng bangkay ng ating mga kababayang nasawi sa naturang pag atake, at kanilang sisiguruhin ang mabilis na pagpapauwi sa Pilipinas ng kanilang mga labi. | ulat ni AJ Ignacio