Pinaalalahanan ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang publiko na isaisip ang mga safety precautions upang maiwasan ang sunog sa kanilang lugar.
Kabilang sa mga dapat ingatan ng publiko ang mga electrical appliances at tanggalin sa saksakan kung hindi naman ginagamit partikular ang mga lumang electric fan.
Dapat rin aniyang iwasan ang iresponsableng pagtatapon ng mga upos ng sigarilyo at ang pag-aayos ng sirang electrical wirings at koneksyon na naging dahilan din ng sunog.
Ngayong Fire Prevention Month, maaaring hilingin ng publiko sa Bureau of Fire Protection (BFP) na magsagawa ng voluntary electrical inspection sa kanilang bahay.
Sabi ng kalihim, mayroong programa ang BFP na libre ang gagawing inspeksyon sa mga gustong mapatingnan ang mga linya ng kuryente sa bahay.| ulat ni Rey Ferrer