Nakikiisa ang Department of the Interior and Local Government (DILG), kasama ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa buong Filipino Muslim community sa pagsisimula ng Holy Month of Ramadhan.
Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na ang panahon ng Ramadhan ay buwan ng pag-aayuno at sumasalamin sa malalim na Islamic faith ng mga kapatid nating Muslim.
Umaasa naman ang kalihim na patuloy na isabuhay ng mga kapatid nating Muslim ang turo ng Holy Qur’an.
“As you deepen your faith in this important month, may you continue to enliven your spirituality and practice the sacred text of the Holy Qur’an in your daily undertakings,” pahayag ng kalihim.
Hangad din nitong magabayan ang bawat isa sa kanilang panalangin tungo sa genuine, inclusive, and sustained peace and development.
Una nang inanunsyo ng Bangsamoro Mufti na ngayong Martes, March 12, ang opisyal na pagsisimula ng Ramadan o Buwan ng Pag-a-ayuno ng mga Muslim sa Pilipinas. | ulat ni Merry Ann Bastasa